Susubukang sungkitin ni Kisses Delavin ang korona sa Miss Universe Philippines 2021

Isa sa karaniwang pinapangarap ng isang babae ay ang maging isang “Beauty Queen”. Kaya tuwing may beauty contest sa inyong lugar mapabarangay, bayan, o lungsod man ito ay talagang nilalahukan nang napakaraming nag-gagandahang babae. Lalo nalang kapag ito ay patimpalak para sa buong Pilipinas tulad nalang ng darating na Miss Universe Philippines.


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram

Ngunit hindi ka basta-basta makakasali dito. Maraming kinakailangan upang ikaw ay makapasok sa ganito kalaking patimpalak. Tulad nalang ng dapat ikaw ay Pilipino, walang asawa o anak, at nakapagtapos ng kahit highschool man lang.


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram

Isa nga sa mga kwalipikado ang aktres na si Kisses Delavin. Lingid sa ating kaalaman na hindi na siya bago sa ganitong klaseng patimpalak. Taong 2013 nang sumali siya at nanalo bilang Miss Teen Masbate at 2016 naman nanalo siya bilang Miss Masbate at Miss Kaogma.


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram

Sa kaniyang paghahanda nga para sa Miss Universe Philippines nakatanggap siya ng suporta galing sa kaniyang mga kasamahan sa industriya. Nagpasalamat naman siya sa kaniyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram kalakip ang kaniyang mensahe.


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram

Nagpapasalamat siya sa kaniyang mga tagahanga sa kanilang ibinibigay na pagmamahal at pagsuporta. Sabi niya rin samahan siya sa kaniyang magiging journey na may kasamang hashtag #MissUniversePhilippines.


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram

Si Kirsten Danielle Delavin o kilala bilang Kisses Delavin ang isa sa 100 na kalahok sa Miss Universe Philippines. Ngunit 30 kandidata lamang ang kukunin upang magpaligsahan sa patimpalak na ito. Matapos nga ang kaniyang pagpost sa Instagram account niya ay nakatanggap siya ng samutsaring komento.


Image courtesy: Kisses Delavin | Instagram

Isa na nga rito ay ang isa ring beauty queen na si Kylie Versoza na nagsabing “Let’s go Kisses!!”. “Wow! Goodluck Kisses!!” ang sabi naman ng kaniyang kasamahan na si Elisse Josonn. Hindi rin mawawala ang komento nina Loisa Andalio, Barbie Imperial, Ana de Leon and Kim Rodriguez, at madami pang iba na nagbigay ng kani-kanilang mensahe para sa dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.