Ibinahagi ng aktor na si Jericho Rosales ang kaniyang simpleng buhay sa Surfing Paradise ng La Union

Isa sa mga kinakikiligan mag-mula noon hanggang ngayon ay ang batikang aktor na si Jericho Rosales. Hindi mo maikakaila na naging parte siya ng buhay natin noong hindi pa uso sa Pilipinas ang mga Korean Nobela na teleserye.


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Kung maalala natin ay talagang tumatak sa ating mga buhay ang kanilang tambalan ni Kristine Hermosa. Ito ay nang gumanap sila bilang mga pangunahing tauhan sa teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo”. Hanggang sa nagtuloy-tuloy nga ang kanilang tambalan at nagkaroon pa ng maraming proyekto.


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Magdadalawang taon na noong naging parte siya ng teleseryeng “Halik” at ngayon nga ay nagpahinga muna siya sa telebisyon. Sa halip ay gumawa siya ng kaniyang sariling Online Show na tinawag niyang “Gabi Na Naman With Jericho Rosales”.


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Makikita sa kaniyang Instagram Account ang mga post niya habang siya ay kumakanta o kaya naman ay nagkukwento ng kung anu-anong bagay. Samantala siya at ang kaniyang modelong asawa na si Kim Jones naman ay lumipat sa surfing paradise, La Union. Magandang desisyon ito para sa kanila sapagkat pareho silang surfer.


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Sabi pa ni Jericho Rosales na sila ay naninirahan na at nagrerelaks. Dagdag pa niya na para bang niyayakap na nila ang reyalidad na baka iyon na ang para sa kanila. Hindi rin ikinakahiya ng aktor ang kaniyang lubos na kaligayahan.


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Kung makikita natin ay ipinopost pa ni Jericho ang kaniyang mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan. Nagugustohan na rin daw ni Jericho ang paglilinis, ang kaniyang pagpapasyal sa kaniyang alagang aso, ang pag-aalaga ng mga halaman, at kahit ‘yong mga pagkumpuni niya ng mga bagay-bagay. At siyempre hindi mawawala ang kaniyang pagkuha ng kamangha-manghang litrato gamit ang kaniyang camera.


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram


Image courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Sa gitna ng lahat ng ito, tuloy pa rin ang kaniyang lifestyle sa pamamagitan ng pagswimming, surfing, running, walking, at ang kaniyang pag exercise araw-araw. May mga oras daw na kapag hindi siya mapakali, sinusubukan niyang maging creative. Ang importante lang naman daw ay ang kaligtasan at kalusugan. Pati na rin ang kalusugan ng ating kaisipan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *