Ibinahagi ni Nikka Garcia ang litrato ng kanilang pang-apat na anak sa kaniyang asawa na si Patrick Garcia

Sabi nga sa kanta “Lumilipas ang panahon, maibabalik ba ang kahapon” na talagang ating napagtatanto habang tayo ay tumatanda. ‘Yong mga dating child star na ating napapanuod lang sa mga pelikulang pinoy noon ay may kaniya-kaniya nang pamilya ngayon.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Katulad nalang ng dating child star at batikang artista ngayon na si Patrick Garcia. Sinong makakalimot sa mga pelikula niya noong panahon ng 90’s. Masasabi mo rin na isa si Patrick Garcia sa mga heartthrob sa mundo ng show business.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Ibang-iba na nga ang buhay ng aktor ngayon hindi tulad noong siya ay binata pa lamang. Ilan ding personalidad sa show business ang kaniyang mga naging kasintahan. At ngayon ay masaya na sa kaniyang buhay at may sarili nang pamilya.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Kamakailan nga ay nanganak na ang kaniyang asawa na si Nikka Garcia sa kanilang ika-4 na anak. Ibinahagi ito ni Nikka sa kaniyang Instagram account sa pamamagitan ng isang litrato. Sa ipinost ni Nikka makikita ang picture nilang ni Patrick kalong-kalong ang kanilang bagong silang na anak. Pinangalanan nila itong Enrique Pablo.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Kalakip nito ang isang mensahe ng pagpapasalamat. Dagdag din dito na hindi niya raw napigilan ang kaniyang luha nang marinig niya ang iyak ng kaniyang anak. Ibinahagi niya rin ang labis na kasiyahan na kaniyang naramdaman at para bang wala na siyang hihilingin pa.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Sinabi niya rin na sagot sa kanilang mga panalangin ang kanilang mga anak. Ibinahagi niya rin ang kanilang pagmamahal para sa kanilang anak.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Si Patrick Garcia at Nikka Garcia na may tatlong anak na babae ay ipinagdarasal talaga na bigyan sila ng anak na lalaki. Makikita sa ipinost ni Nikka sa kaniyang Instagram account noong Pebrero ang isang mensahe.


Image courtesy: Nikka Garcia | Instagram

Nakasaad dito na kulang ang pasasalamat nila sa panginoon, at napakapersonal daw nito para sa kaniya sapagkat ibinigay niya ang kagustuhan ng kaniyang puso. Ipagdarasal niya rin daw na patuloy silang gabayan ng Diyos upang maging mabuting. Papalakihin din daw nila ang kanilang mga anak na malapit sa Diyos.


Image courtesy: Patrick Garcia | Instagram

Kung maaalala natin ay may isa pang anak na lalaki si Patrick Garcia sa kaniyang naging karelasyon na si Jennylyn Mercado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.