Ibinahagi ni Yam Concepcion ang kaniyang napakagandang kasal sa New York at kung paano niya pinagplanuhan ito

Sa panahon ngayon napakahirap isipin kung paano natin ipagdiriwang ang isang okasyon. Sa kadahalinang mayroon tayong kinakaharap na pagsubok kaugnay sa pademyang nangyayari sa buong mundo. Sa panahon ngayon bawal na ‘yong malakihang salo-salo at pagtitipon.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Kaya naman parang ang hirap isipin kung papaano natin mairaraos ang isang okasyon. Gagawin ba nating simple lang o gagawin natin itong isang magarbong okasyon.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Tulad nalang ng isa sa pinakamahalagang okasyon na ating mararanasan, ang pagpapakasal. Marami na tayong nasaksihan na ikinasal ngayong panahon ng pandemya. ‘Yong iba ay simple lang at ginawang kakaiba ang pagpapakasal, ‘yong iba naman ay Civil Marriage lang upang maiwasan natin iyong madaming tao.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Ngayon nga ay napapabalita na ang aktres na si Yam Concepcion ay ikinasal na sa kaniyang nobyo na si Miguel Cuunjieng. Ibinahagi pa nga ni Yam Concepcion ang kaniyang paghahanda bago ganapin ang kasal Kapamilya channel. Ayon sa aktres nasa gitna siya nitong mga nakaraang buwan at araw ng paghahanda para sa kanilang darating na pag-iisang dibdib. Ito ay dadaluhan lamang ng kaniyang mga pamilya, kamag-anak na nasa US, at mga malalapit na kaibigan nila sa US.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Dagdag pa niya na tutal daw at nasa US naman na siya ngayon, siya na lahat ang nag-aasikaso at nagpaplano. Sabi niya rin na wala daw siyang katuwang sa pagplano doon. Pahayag din ni Yam Concepcion na hindi iyon magiging magarbong selebrasyon, gusto lamang nila na ito ay maging simple at maganda. Lubos na naging abala din daw ang aktres sa pag-aasikaso niya doon.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Magdadalawang buwan na si Yam Concepcion mula nang dumating siya sa US at kaniya namang sinusulit ang bawat oras na magkasama sila ng kaniyang nobyo. Ang aktres din daw ang nakatalaga sa pagdidisenyo ng kanilang apartment sa New York.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Ayon pa nga sa aktres na napapamahal na siya sa lugar sapagkat halos dalawang buwan na rin daw siyang naroon. Pero ang kaniyang ipinagpapasalamat ay ang makasama ang kaniyang kasintahan, sapagkat nasa 6 na taon din daw silang malayo sa isa’t-isa.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Magmula noong pasukin niya ang mundo ng show business, si Yam Concepcion ay nagtrabaho ng walang kapaguran sa kadahilang isa siya sa mga artistang mataas ang demand sa mga pelikulang pang drama sa panahon ngayon.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Tiniis ng magkasintahan na si Yam at Miguel ang kanilang malayong relasyon. Dinaan nila ito sa pamamagitan ng videocall nang madalas at palagiang pag-uusap. Ayon sa aktres tiwala at ang kanilang komunikasyon sa isa’t-isa ang naging susi upang gumana ang kanilang relasyon.


Image courtesy: Yam Concepcion | Instagram

Ayon rin sa aktres na nahirapan siya sa kanilang naging relasyon sapagkat ang kaniyang love language raw ay ‘yong physical touch. At kamakailan lang nga ay nabigla ang lahat sa kaniyang naging pahayag na siya at ang kaniyang kasintahan na si Miguel Cuunjieng ay engaged na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.