Alfred Vargas, nakapagtapos ng master’s degree sa UP dahilan upang siya ay kabiliban ng mga netizens

Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pangarap. May kaniya-kaniyang gustong makamit sa buhay balang araw. Mapa-artista man yan o normal na tao ay siguradong may pinapangarap yan sa buhay.


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram

Tulad nalang ng batikang aktor na si Alfred Vargas na kamakailan lang ay nakapagtapos ng kaniyang master’s degree in public administration sa UP. Hindi lang sa pag-arte magaling itong si Alfred dahil masasabi nating matalino din siya. Sapagkat alam naman natin na hindi biro ang mag-aral sa UP.


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram

Para sa nakararami si Alfred Vargas ay isang aktor, modelo, at isang public servant. Magaling din maghost ang aktor na ito. Nagsimula siyang umarte sa loob ng paaralan hanggang sa naging miyembro siya ng Star Circles sa Kapamilya channel. Doon nga nagsimula ang kaniyang karera sa showbiz. Taong 2010 naman nang pasukin niya ang mundo ng politics.


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram

Kamakailan nga ay nakapagtapos na ang aktor ng kaniyang pag-aaral para sa kaniyang master’s degree. Ipinahayag niya ito sa kaniyang Facebook page. Nagpasalamat din siya sa kaniyang ina na kaniyang naging inspirasyon para tapusin ang kaniyang pag-aaral.


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram

Sabi niya sa kaniyang post na masaya at ipinagmamalaki niya na nakapagtapos siya para sa kaniyang Master of Public Administration degree. Dagdag niya pa na “Mommy natupad ko ang pangako ko sa inyo. I wish you lived to see this promise fulfilled”.


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram

Bagamat hindi siya nakadalo sa isang physical na seremonya dahil sa pandemya ng Covid-19 ay hindi nagbago ang kaniyang pagkasabik sa pangyayaring ito. Sinabi niya pa na nasasabik siya magbihis ng kaniyang sablay. Hindi rind aw maalis ang kaniyang kasiyahan kahit ang katabi niya ay ang kaniyang laptop at hindi ang kaniyang mga kaklase.


Image courtesy: Alfred Vargas | Instagram

Ibinahagi rin ng aktor na hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan bago niya makamit ang kaniyang master’s degree. Ipinagsabay niya ang kaniyang trabaho at ang kaniyang pag-aaral. Nagpasalamat si Alfred sa lahat ng nakasama niya at nagbigay ng suporta sa kaniyang naging journey sa unibersidad, kabilang na rin sa kaniyang pinasalamatan ang kaniyang asawa na si Yasmin. Binati niya rin ang lahat ng kapwa niya nakapagtapos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *