Ibinahagi ng aktres na si Sam Pinto ang kaniyang natural na ganda habang pinagbubuntis ang kanilang 1st Baby

May mga babaeng maselan ang pagbubuntis, ‘yong tipong madaming ipinagbabawal sa kanila. Mayroon namang ang daming gusto kainin at mayroon din na sa iisang pagkain lang ipinaglilihi ang kanilang anak.


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram

Sabi ng karamihan kapag ikaw daw ay mukhang pagod palagi may posibilidad na lalaki ang iyong magiging anak. Kapag ikaw naman daw ay lalong gumaganda habang nagbubuntis may posibilidad naman na babae ang iyong ipinagdadala.


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram

Sa sitwasyon ng pagbubuntis ng aktres na si Sam Pinto ang kahulugan ba nito ay dahil babae ang kaniyang magiging anak o dahil sa likas lang sa kaniya ang pagiging maganda? Kilala naman natin si Sam Pinto bilang isa sa pinaka may magandang mukha sa showbiz, isa rin siya sa tinaguriang “Sexiest woman in the Philippines”. Kaya hindi na nakapagtataka kung makita natin sa kaniyang mga post ang kaniyang natural na ganda.


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram

Kamakailan lang nga ay inulan ng samutsaring reaksyon at komento ang kaniyang Instagram post. Makikita rito ang kaniyang maternity photoshoot. Nasa 34 weeks nang ipinagbubuntis ng aktres ang kanilang unang anak ng kaniyang asawa. Mababasa sa kaniyang post ang kaniyang mensaheng nagsasabi na “Everything so big. My face, belly, feet, and yes my lips. Natural filler iyan girl hahaha”.


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram

Ito nga raw ang pinakamahirap tanggapin na pagbabago sa kaniyang katawan subalit tinatanggap niya ito ng bukal sa kaniyang loob. Mabigat man ito para sa kaniya sapagkat siya ay tinaguriang “Mayroong Pinakamagandang katawan ng babae” nakahanap naman siya ng paraan upang pagaanin ang kaniyang loob habang hinihintay ang pagdating ng kaniyang anak.


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram

Sinabi rin ng aktres na may mga nakakatakot na kuwento siyang naririnig tungkol sa pagbubuntis at panganganak na kapag kaniyang iniisip ay nagbibigay kaba sa kaniyang dibdib. Ibinahagi niya rin ang nakakatulong sa kaniya para hindi siya matakot ito ay ang “pregnancy affirmation” na matatagpuan sa Spotify.


Image courtesy: Sam Pinto | Instagram

May naisip na rin silang ipapangalan sa kanilang anak, ito ay Mia Aya Semerad. Mayroon narin siya mensahe para sa kaniyang magiging baby girl ito ay “My love for you will grow every day just like you will. Even still inside my belly”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.