Ibinahagi ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pagpapagawa ng kaniyang dream house dahilan upang siya ay kabiliban ng mga netizens

Simula pagkabata ay nagkakaroon na tayo ng sarili nating mga pangarap. Pangarap na kailangan natin paghirapan at pagtrabahuan. Tulad nalang nga ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Facebook

Bata pa lang ang aktres ay pinasok na niya ang mundo ng show business. Kung maalala nga natin ay nakilala siya sa palabas na “It might be you” noong taong 2003. Kalaunan naman ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging isa sa mga pangunahing tauhan sa teleseryeng “Super Inggo”.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Google

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ang takbo ng kaniyang karera sa showbiz. Isa rin sa talagang nagpasikat sa kaniya ay ang programang “Goin’ Bulilit” ng Kapamilya channel kung saan ay nakasama niya rito ang ilan din sa mga sikat na personalidad sa showbiz tulad ni Julia Montes.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Facebook

Sa husay nga ng dalaga ay tinagurian siyang “Box office Queen” ng kaniyang henerasyon. At ayon naman sa Forbes Asia ay isa siya sa Asia-Pacific na pinaka maimpluwensiyang personalidad sa social media. Sa galing nga umarte ng aktres ay marami na siyang pinagbidahan at nagawang mga pelikula.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Instagram

Kaya hindi malabo na matupad nito ang kaniyang pangarap na magkaroon at makapagpagawa ng sariling dream house sa kaniyang murang edad. Kamakailan lang nga ay kaniyang ibinahagi ang kaniyang ipinapagawang bahay na masasasabi niyang “dream house ko”.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Instagram

Ginawa ito ng aktres sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram account ng litrato kalakip ang maikling mensahe. Ang litratong ito ay litrato niya sa kaniyang ipinapagawang bahay. May caption ito na nagsasabing “Unti-unti nang natatapos. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ito ngayon”.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Instagram

Nakaraang taon buwan ng Marso una niyang ipinahayag ang kaniyang pagpapagawa ng kaniyang dream house. Sinabi niya rin na umabot sa 3 taon ang kaniyang pagpaplano para sa nasabing dream house. Ibinahagi niya ito nakaraang taon buwan ng Marso at may caption na “March 9, 2020. Day 1. Groundbreaking of our new home. Nagsimula na ang construction ng aming dream home”.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Instagram

Dagdag pa ng dalaga na hindi siya makapaniwala na tuluyan na itong nangyayari sa kaniya pagkatapos ng 3 taong pagpaplano. Makikita rin dito na kasama niya ang kaniyang reel and real-life partner na si Daniel Padilla. Para sa karamihan ang kanilang relasyon ay mag -10 taon na.

Image Courtesy: Kathryn Bernardo / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.