Ibinahagi ng aktres na si Kristine Hermosa ang litrato ng kanilang ika-5 anak ng kaniyang asawa na si Oyo Sotto

Sa isang pamilya biyaya ang magkaroon ng isang anak. Sabi nga nila mas marami mas masaya. Basta siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan at itaguyod ang iyong pamilya.

Image Courtesy: Oyo Sotto / Instagram

Tulad nalang nga ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto. Ang masaya at simple nilang pamilya ay patuloy na lumalaki. Sa katunayan nga ay kamakailan lang ay ibinahagi nila ang pagsilang sa kanilang ika-5 anak.

Image Courtesy: Oyo Sotto / Instagram

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagpost sa Instagram account ni Kristine Hermosa ng mga litrato. Pinangalanan naman nila ang kanilang bunsong anak na si Vittorio Isaac. Sa litratong ipinost ng aktres makikita ang kaniyang maikling mensahe.

Image Courtesy: Kristine Hermosa-Sotto / Instagram

Sa litrato niya at ng kaniyang bagong silang na anak naglagay siya ng maikling mensahe. “Lord Jesus maraming salamat” laking pasasalamat ni Kristine Hermosa. Dagdag naman ng kaniyang asawa na si Oyo Sotto na “Answered prayer” ang kanilang anak at perfect timing daw ang pagdating sa kanilang buhay.

Image Courtesy: Kristine Hermosa-Sotto / Instagram

“Lord perfect timing ka talaga, kaninang umaga ay nakapagwork pa ako” sabi pa na aktor. Naging usap-usapan naman ito ng mga netizens at nagkaroon ng samut-saring reaksyon at komento. Hindi rin mawawala ang komento ng kanilang mga kasamahan sa industriya ng showbiz.


Image Courtesy: Kristine Hermosa-Sotto / Instagram

Binati sila ng kanilang mga malalapit na kaibigan tulad nina Rodjun Cruz, Ryan Agoncillo at Pauleen Luna. Hindi rin mawawala ang pagbati mula sa kanilang mga pamilya tulad nina Danica Sotto at pinsan na si Ciara Sotto.


Image Courtesy: Kristine Hermosa-Sotto / Instagram

SI Kristine Hermosa at Oyo Sotto ay 10 taon nang nagsasama bilang mag-asawa. Biniyayaan naman sila ng limang anak at sa limang ito ay iisa lamang ang kanilang anak na babae. Nakaraang taon buwan ng Disyembre naman nila ipinahayag na sila ay magkakaroon ng panibagong anak.


Image Courtesy: Kristine Hermosa-Sotto / Instagram

Bagamat ipinagdarasal nila na babae ang magiging kasarian nito ay laking pasasalamat pa rin nila at magkakaroon sila ng malusog na anak na lalaki.

Image Courtesy: Kristine Hermosa-Sotto / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *