Ibinahagi ng mang-aawit na si Angeline Quinto ang kaniyang pagsusumikap upang makamit ang kaniyang pinapangarap na dream house

Sipag at tiyaga samahan mo na rin ng pagdarasal, ilan lang ito sa mga kinakailangan ng isang tao upang makamit niya ang kaniyang mga pangarap. Sa katunayan karamihan sa ating mga iniidolo at pinapanuod sa telebisyon ay hindi ipinanganak na mayaman, bagkus ay nakaranas ng kahirapan at payak na pamumuhay.


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Tulad nalang ng sikat na mang-aawit at aktres na si Angeline Quinto kung saan ay namulat sa payak na pamumuhay. Ngunit sinong makapagsasabi na sa isang patimpalak ng pagkanta magbabago ang kaniyang buhay.


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Bagamat marami na siyang nasalihan na singing contest karamihan naman dito ay hindi siya pinapalad na manalo. Ngunit nang magkaroon ang Kapamilya channel ng isang malaking patimpalak para sa mga mang-aawit na pinamagatang “Star for a Night” ay agad siyang sumali rito at ang kanya ngang nakalaban ay ang Grand winner na si Sarah Geronimo.


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Kahit na siya ay natalo sa patimpalak na iyon ay naging daan niya naman ito upang makapasok sa Industriya ng showbusiness at industriya ng musika. Hindi rito natapos ang kaniyang pakikipaglaban sa pagkanta hanggang sa sumali siya sa “Star Power: Sharon Search for the next Female Superstar” at siya nga ang tinanghal na Grand winner. Makalipas nga nito ay nagkaroon na siya ng maraming proyekto sa Kapamilya channel at pinasok na rin ang pag-aartista.


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Makalipas nga ang madaming panahon ay masasabi nating nagtagumpay na siya sa kaniyang buhay. Ibinahagi naman ni Angeline Quinto ang kaniyang dream house na bunga ng kaniyang pagsusumikap. Ayon nga sa kaniya ay nagpapasalamat siya sa Kapamilya channel at utang na loob niya raw ito sa nasabing istasyon.

Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Malaki ang pagpapasalamat ni Angeline sa Kapamilya channel dahil kung wala raw ito ay hindi niya maipapatayo ang kaniyang dream house para sa kaniyang “mama Bob” na siyang tumayo bilang kaniyang magulang at kaniyang adoptive mother.


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Sinabi rin ng mang-aawit na dahil sa nasabing istasyon ay nagkaroon siya ng napakaraming proyekto. Nakapagtanghal din daw ito sa iba’t ibang bansa at natupad niya ang kaniyang mga pangarap.


Image Courtesy: Angeline Quinto / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.