Ibinahagi ng aktor na si Inigo Pascual ang kaniyang nabiling farm sa Rizal

Bawat isa sa atin ay siguradong may pinapangarap. ‘Yong iba pangarap magkaroon ng bahay. ‘Yong iba naman gusto ng magandang sasakyan. Samantala ang iba gusto makapunta sa ibang bansa upang doon manirahan. At ‘yong iba naman ay may pinapangarap na lupain.


Image Courtesy: Inigo Pascual | Instagram

Tulad nalang nga mang-aawit at aktor na si Inigo Pascual. Pinapangarap lang naman ni Inigo na magkaroon ng sariling farm. At sinong makakapagsabi na sa murang edad ng binata ay maisasakatuparan na ang kaniyang pangarap na ito.


Image Courtesy: Inigo Pascual | Instagram

Kilalang-kilala si Inigo sa mundo ng musika at ganoon rin sa pag-aartista. Sa katunayan ay marami na siyang nagawang kanta at may mga pelikula rin na naigawa. Bukod dito kilala rin siya bilang anak ng batikang aktor at isa sa pinakamatipunong leading man sa industriya ng showbiz na si Piolo Pascual.


Image Courtesy: Inigo Pascual | Instagram

Kamakailan nga ay ibinahagi ng binata ang kaniyang natupad na pangarap na magkaroon ng sariling farm. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbili ng isang farm sa Rizal. Nabili niya raw ang nasabing farm noong nakaraang taon buwan ng Nobyembre para sa kaniyang lolo.


Image Courtesy: Inigo Pascual | Instagram

Sinabi din ng aktor na hindi lang farm ang kaniyang nabili kung hindi pati na rin mga alagang hayop tulad ng kabayo, baboy, at baka ay nagkaroon din siya. Ayon rin sa kaniya na matagal niya na gusto magkaroon ng alagang kabayo, matutong sumakay ng kabayo mag-isa at magkaroon ng sariling farm.


Image Courtesy: Inigo Pascual | Instagram

Inamin din ng aktor na labis niya itong pinapangarap noong bata pa lamang siya. At siyempre raw para madala niya ang kaniyang lolo doon at makita siyang masaya. Ayon din sa kaniya na iba ang kaniyang pakiramdam kapag nasa farm siya at malapit sa kalikasan.


Image Courtesy: Inigo Pascual | Instagram

Ipinahayag niya rin ang kaniyang pagpapahalaga sa kalikasan. Sinabi pa ng aktor na napapakalma siya ng kalikasan, nakakalimot din siya ng stress at mga problema nang dahil sa kalikasan. Ayon din sa kaniya na bata pa lang siya ay mahilig na siya sa mga bundok, umakyat ng bundok, mamasyal sa dagat o kahit anumang may kaugnayan sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *