Ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial ang kaniyang mala-fairy tale na kaarawan dahilan upang siya ay kahangaan ng netizens

Madalas sa kabataan ng isang babae, pinapantasya nilang maging isang prinsesa katulad sa mga palabas na kanilang napapanuod. Kadalasan nga kapag sila ay naglalaro, pumapasok sa kanilang imahinasyon na totoo silang prinsesa at napaka-ganda ng nasa paligid nila. May mga oras pa nga na pati tuwalya at kumot ay kanilang ginagawang gown.

Image Courtesy: Barbie Imperial / Instagram

Minsan pa nga kapag kaarawan nila ay talagang gusto nila na sila ay naka-gown upang maramdaman nila na sila ay talagang isang prinsesa at nasa isang fairy tale. Tulad nalang nga ng aktres na si Barbie Imperial na talagang isinakatuparan ang pangarap ng karamihan na maging isang prinsesa o nasa fairy tale.

Image Courtesy: Barbie Imperial / Instagram

Kamakailan lang nga ay kaniyang ibinihagi ang kaniyang larawan na kuha para sa kaniyang kaarawan. Ang kaniyang pantasya na maging isang prinsesa sa isang fairy tale ay para bang naging totoo sa araw ng kaniyang kaarawan.

Image Courtesy: Barbie Imperial / Instagram

Makikita ito sa kaniyang ipinost sa kaniyang Instagram account na may maikiling mensahe. Ayon nga sa dalaga ay bata pa lamang siya ay gustong-gusto niya nang maranasan ang para bang nasa isang fairy tale. At sa kaniyang murang edad din ay napagtanto niya na ang pangarap ay mananatiling pangarap kapag hindi mo ito pagsusumikapan.

Image Courtesy: Barbie Imperial / Instagram

Kung makikita nga sa kaniyang ipinost na mga litrato, makikita mo rito ang nakakamanghang obra ng mga nag-ayos sa kaniya. Sa kaniyang paligid ay makikita mo rin ang mga bulaklak at rosas na para bang ikaw ay nasa napakagandang lugar.

Image Courtesy: Barbie Imperial / Instagram

Sa iba pang mga litrato ay makikita mo na para bang ikaw ay nasa panaginip lamang. Makikita rito na may fairy wing ang dalaga habang napapalibutan ng sandamakmak na mga bulaklak. Talaga nga namang parang isang panaginip ito para sa dalaga na napunta siya sa ibang lugar. Kung dati ay pantasya lamang ito ni Barbie ngayon ay kaniyang naranasan na.

Image Courtesy: Barbie Imperial / Instagram

Bukod nga dito ay nakatanggap ang dalaga ng pagbati sa kaniyang mga malalapit na kaibigan sa Industriya ng showbiz. Hindi rin mawawala ang pagbati mula sa mga kasamahan niya noon sa bahay ni kuya sa “Pinoy Big Brother” ng Kapamilya channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published.