Ibinahagi ng dating child star na si Aiza Seguerra ang kaniyang pagpupugay para sa anibersaryo ng programang Eat Bulaga

Karamihan sa ating mga iniidolo ay may pinagmulan na mga programa o reality show bago sila tuluyang mamayagpag sa industriya ng showbiz. Mayroon din namang mga nadiskubre lang ng mga talent scout sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansa.


Image Courtesy: Ice Seguerra / Google

Tulad nalang nga ng mang-aawit at dating child star na si Ice Seguerra o mas kilala bilang Aiza Seguerra na nagsimula at sumikat sa programang Eat Bulaga ng Kapuso channel. Hindi naman nakalimot ang dating child star na ito at nagbigay pugay para sa programa na nagdiwang ng kanilang ika-42 taong anibersaryo.


Image Courtesy: Ice Seguerra / Instagram

Sa katunayan nga ay nagpost pa si Aiza Seguerra sa kaniyang Instagram account na may mensaheng “Kung saan nagsimula ang lahat” para sa pag-ala-ala kung saan siya nagsimula at sumikat. Kalakip ng kaniyang mensahe ang makalumang logo ng programa kung saan ginamit ito noong July 30, 1979. Sa ngayon nga ay ito ang pinakamatagal na noon-time show sa ating bansa.


Image Courtesy: Ice Seguerra / Instagram

Ayon pa sa mang-aawit na nagpapasalamat siya sa programang Eat Bulaga sa kadahilanang hindi niya raw alam kung ano ang nakita sa kaniya ng programa kung bakit ito nagtiwala at naniwala kay Aiza Seguerra. Nang dahil daw sa kanilang ginawa, narating ni Aiza Seguerra ang mga nakamit niya ngayon.


Image Courtesy: Ice Seguerra / Google

Dagdag pa ng mang-aawit na kahit hindi na siya regular sa nasabing programa ay malaking pasasalamat niya pa rin at nagpapakita sila ng pagsuporta sa mang-aawit. Tinulungan din daw nito ang pagbabago niya bilang isang tao.


Image Courtesy: Ice Seguerra / Instagram

Nakilala si Ice Seguerra bilang si Aiza Seguerra sa mundo ng showbiz. Nagsimula niyang pasukin ito taong 1987 nang sumali at manalo siya bilang “Little Miss Philippines” sa nasabing programa. Para sa karamihan ang mang-aawit at dating child star na si Ice o Aiza Seguerra ay kinikilala na bilang isang transgender man.


Image Courtesy: Ice Seguerra / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.