Kilalanin ang napakagandang si Claudia Barretto, ang anak nina Marjorie Barreto at Dennis Padilla

Kilalang-kilala ang pamilya ng Barretto sa mundo ng show business. Hindi mo rin maikakaila na mayroon silang magandang lahi sa kanilang pamilya. Hindi lang sila ubod nang gaganda kung hindi talentado rin sa pag-arte.

Image Courtesy: Claudine Barretto / Instagram

Sa pamilya nga nila ay sikat na sikat ang Barretto sisters na nagkaroon din ng kaniya-kaniyang mga pelikula. Ito sina Marjorie Barretto, Gretchen Barretto, at Claudine Barretto. Makalipas nga ang panahon ay nagkaroon sila ng kaniya-kaniyang pamilya ang nagkaroon ng mga anak.

Image Courtesy: Julia Barretto / Instagram

Hindi rin natin maitatanggi na namana ng kanilang mga anak ang magandang lahi na mayroon sila. Tulad nalang nga ni Claudia Barretto. Si Claudia ay kapatid ng sikat na artista na si Julia Barretto. Anak siya nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Image Courtesy: Claudia Barretto / Instagram

Kamakailan nga ay nagdiwang ng kaniyang ika-22 taong kaarawan ang dalaga. Nakatanggap naman siya ng pagbati mula sa kaniyang mga pamilya. Ilan nga dito ay ang kaniyang mga kapatid na sina Julia at Dani Barretto.

Image Courtesy: Marjorie Barretto / Instagram

“Claudia—my sister, my bestfriend and soulmate. Happy Birthday my angel. Nothing I wouldn’t do for you” mensahe ni Julia kalakip ang kanilang litrato noong sila ay mga bata pa lamang. Sinagot naman ito ni Claudia at sinabing napakasuwerte niya at si Julia ang kaniyang naging ate.

Image Courtesy: Julia Barretto / Instagram

Bati naman ni Dani na “Oh to be young and be this gorgeous!! You’re a dream, Claudia!! Happy happy birthday!! Thank you for always reminding me to stop and smell the roses”. Dagdag rin niya na “You’re wise beyond your years and so selfless”.

Image Courtesy: Dani Barretto / Instagram

Pinaalalahanan niya rin si Claudia na unahin muna ang sarili. “I love you! I’ll always be here for you no matter what” panapos niyang mensahe. Sinagot naman ito ni Claudia at sinabing mahal na mahal niya rin ang kapatid at sinabi niya si Dani ang isa sa kaniyang inspirasyon.

Image Courtesy: Claudia Barretto / Instagram

Hindi man sa pag-aartista napunta ang karera ni Claudia Barretto masasabi mo namang sa mundo ng kasikatan pa rin ito patungo. Dahil ang kaniyang kinahiligan ay ang pagkakanta. Sa katunayan nga ay mayroon na siyang mga nagawang kanta at mapapakinggan mo ito sa Spotify.

Image Courtesy: Claudia Barretto / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *