Ibinahagi ng aktres na si Yassi Pressman ang kaniyang dream house na malapit nang matapos

Bawat isa sa atin ay tiyak may pinapangarap na dream house. Kung tutuusin nga ay hindi lang basta bahay kung hindi isang dream house talaga. Malaki, maganda, at mataas na bahay.

Image Courtesy: Yassi Pressman / Instagram

Marami-rami na rin tayong natunghayan na mga artista na ibinahagi sa atin ang kani-kanilang mga dream house na naisakatuparan. Mayroong simple lang at mayroon din talagang masasabi mong magarbo at ginastusan talaga. Ngunit gaano man kalaki yan o gaano man kamahal ang halaga niyan, ang importante lang ay maging masaya tayo sa kung anong mayroon tayo.

Image Courtesy: Yassi Pressman / Instagram

Tulad nalang nga ng aktres na si Yassi Pressman na kamakailan lang ay ibinahagi ang pagpapagawa ng kaniyang dream house na malapit nang matapos. Ang dream house na ito ang isa sa kaniyang pinakamalaking layunin. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram account na nagkaroon ng maraming reaksyon at mga komento.

Image Courtesy: Yassi Pressman / Instagram

Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato kalakip ang maikling mensahe na “Trust the process”. Kung maalala natin ay una niyang ibinahagi ang tungkol sa pagpapagawa ng kaniyang bahay noong nakaraang taon buwan ng Oktobre na may mensahe na “Under construction”.

Image Courtesy: Yassi Pressman / Instagram

Nakaraang taon din buwan ng Nobyembre naman ay nagpost siya ng kaniyang video habang nasa ikatlong palapag ng kaniyang ipinapagawang bahay. Talaga nga namang nakakabilib ang nararating ng aktres na ito. Dahil sa murang edad ay nakapagpagawa na siya ng kaniyang sariling bahay.

Image Courtesy: Yassi Pressman / Instagram

Si Yassi Pressman ay isang aktres, modelo, singer, at dancer. Isa siyang Filipina-British, kaya hindi mo rin maikakaila ang kaniyang kagandahan. Hindi mo rin maitatanggi na dahil sa kaniyang sipag at tiyaga kaya niya nakakamit ang kaniyang mga pangarap ngayon.

Image Courtesy: Yassi Pressman / Instagram

Sabi nga nila madali lang mangarap, ang mahirap ay kung paano mo ito tutuparin. Kaya kung titignan natin si Yassi ay talagang gumawa siya ng paraan upang matupad ang pinapangarap niya na dream house.

Leave a Reply

Your email address will not be published.