Ibinahagi ng aktres na si Anne Curtis ang isinulat niyang pagbati para sa kaniyang sister-in-law na si Solenn Heussaff

Ang pagkakaroon ng kaibigan ay talaga nga namang napakasarap sa pakiramdam. Lalo na kapag ang kaibigang ito ay ‘yong masasabi mo na tunay. Ito ‘yong tipong parang kapatid na ang turingan niyo sa isa’t isa. Pero paano nalang kaya kung ‘yong kaibigan mo na iyon ay napangasawa ng iyong kapatid? Tulad nalang nga ng aktres na si Anne Curtis sa kaniyang kaibigan na ngayon ay hipag na si Solenn Heussaff.

Image Courtesy: Solenn Heussaff / Instagram

Kilalang-kilala natin si Anne Curtis sa mundo ng show business. Isa lang naman siya sa pinakamagandang leading lady sa industriya ng showbiz.

Image Courtesy: Anne Curtis / Instagram

Si Solenn Heussaff naman ay kilalang-kilala sa kaniyang pag momodelo. Kalaunan ay pinasok na rin ni Solenn ang mundo ng showbiz at nagsimulang maghost sa mga TV show.

Image Courtesy: Solenn Heussaff / Instagram

Kamakailan lang nga ay naging kaarawan ni Solenn Heussaff. Hindi naman ito nakaligtaan ng kaniyang matalik na kaibigan at hipag na si Anne Curtis.

Image Courtesy: Solenn Heussaff / Instagram

Ibinahagi ni Anne Curtis ang isang litrato kasama ang kaniyang mula sa pusong mensahe para sa ika-36 kaarawan ng kaniyang sister-in-law na si Solenn Heussaff.

Image Courtesy: Anne Curtis / Instagram

Mensahe niya na “Happy Birthday sa isa sa pinakamabait at pinakatalentadong nilalang na kilala ko”. Dagdag pa niya na “Nagmula sa pagkakaibigan, hanggang sa naging hipag, at ngayon partner na kaya kong patunayan kung gaano katotoong tao. Hindi kita nakikitang nagagalit, maliban sa ilang sandali nauunawan ko naman kung bakit”

Image Courtesy: Anne Curtis / Instagram

Sabi niya rin na “Here’s another year of glasses of wine, mahabang gabi ng pagtatrabaho, at ang pagbabahagi ng nakakapagod at napakagandang sandali nang pagiging ina habang pinagmamasdan natin ang ating mga anak na lumaki ng sabay. Mahal kita”

Image Courtesy: Anne Curtis / Instagram

Noong nakaraang buwan nga, sila ay naging mag business partners nang ilunsad nila ang kanilang baby clothing brand. Ito ay ang “Tili Dahli” na nanggaling sa pangalan ng kani-kanilang anak na si Thylane Katana at Dahlia Amelie.

Image Courtesy: Anne Curtis / Instagram

Ang kanilang business ay nag-aalok ng mga damit pang sanggol o yong edad 1 hanggang 5 taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.