Ibinahagi ng aktres na si Bela Padilla ang dahilan kung bakit nabihag ang kaniyang puso ng kaniyang swiss boyfriend na si Norman Bay

Sa isang babae, normal lang sa kanila na maging mapili sa kanilang magiging kasintahan. Normal lang na magkaroon sila ng “standards” pagdating sa mga lalaki. Lalo na kapag alam mo ‘yong halaga mo, magkakaroon ka talaga ng mga standards sa mga manliligaw mo.

Kamakailan lang nga ay ibinahagi ni Bela Padilla ang kaniyang relasyon sa kaniyang swiss boyfriend at tinawag niya pa itong kaniyang “little pond of information”. Sa isang panayam nga sa kaniya sinabi niya na nakilala niya ang kaniyang nobyo habang siya ay nagtatrabaho sa pelikulang “Meet Me in St. Gallen” sa Switzerland.

Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Ibinahagi pa ng aktres kung paano sila nagkakilala sabi niya na noong panahong iyon ay nag-aaral si Norman sa University in St. Gallen. Parang nakatadhana nga sapagkat sakto kung kailan huling araw na nila Bela sa St. Gallen doon sila nagkakilala ni Norman. Aalis daw kasi si Bela papuntang Zurich sa susunod na araw upang mamasyal mag-isa, sapagkat mayroon siyang pinagdadaanan noong mga panahong iyon.

Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Naalala pa ni Bela noong panahong nag-uusap at kinikilala pa lamang nila ang isa’t isa. Para sa kaniya nga raw at para sa mga katulad niya na nagtatrabaho sa ganoong industriya ay nagbibigay ito ng interes para sa kanila sapagkat kadalasan daw ay ‘yong mga tao lang din sa showbiz ang kanilang mga nakilala.

Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Siguro sa simula raw ay masaya pa ito subalit darating ‘yong sandali na parang may hinahanap ka. Hindi raw niya masabi kung nasa kaniya lang daw iyon pero gusto niya raw mahinahon na usapan. Gusto niya rin daw na mas matuto pa tungkol sa mundo at ayaw niya raw na manatili sa kaniyang maliit na mundo sa Manila.

Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Noong nakilala niya raw si Norman, marami siyang natutunan. Madami rin daw silang pinag-usapan. Ipinakilala rin daw siya nito sa kaniyang mga kaibigan sa Switzerland. Pakiramdam daw niya parang gusto niya lagi niyang kasama si Norman noong mga panahong iyon, bawat pag-uusap daw nila ay siguradong may natutunan siyang bago. Isa nga raw iyon sa kaniyang ikinatutuwa para raw kapag may makakausap siya may bagong kaalaman siyang maibabahagi sa iba. Kapag wala raw siyang natutunan, wala rin siyang maibabahagi sa iba.

Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Kahit na hindi pa sila nagsimulang nagka-ibigan nang halos isang taon at kalahati, aminado si Bela na simula pa lamang ay gusto niya na si Norman. Hindi rin maikakaila na guwapo nga si Norman. Sinabi niya rin na wala itong kamukha sa kaniyang mga naging dating karelasyon. Wala naman daw siyang tipo sa isang lalaki pero noong nakita niya si Norman ay talaga nabighani siya dito. Masaya na siya nang nakatingin lang kay Norman noon habang sila ay nag-uusap.

Image Courtesy: Bela Padilla / Instagram

Sinabi rin ng aktres kung bakit nagtagal sila kahit na magkalayo sila sa isa’t isa. Ang dahilan daw nito ay halos magkapareho raw silang dalawa. May sarili raw ginagawa si Norman tulad niya, may sariling mga kaibigan, sariling karera na ibang-iba sa kaniya. Ang ginagawa raw nila ay iniintindi ang isa’t-isa kapag kailangan nila ng oras para sa kanilang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published.