Anak ng artistang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na si Alas Joaquin nagdiwang ng kaniyang ika-4 na kaarawan

Kadalasan sa mga ala-ala na ating pinapahalagahan at inaalala ay iyong mga masasayang mga pangyayari sa ating kabataan. Katulad na lang ng pagdiriwang natin ng mga okasyon tulad ng pasko, fiesta, at madami pang iba at siyempre ang pagdiriwang ng ating kaarawan.

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Kaya nalang siguro kahit na sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating sa pamilya ng artistang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay hindi ito naging hadlang upang kanilang ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Alas Joaquin.

Image Courtesy: Aljur Abrenica / Instagram

Nakaraang buwan nga lang ay napabalita at nagtrending ang kanilang paghihiwalayan sa hindi pa siguradong dahilan. Bagamat nangyari ito ay hindi naman ito naging hadlang para sa kanilang responsibilidad para sa kanilang mga anak.

Image Courtesy: Aljur Abrenica / Instagram

Nagdiwang naman kamakailan lang ang panganay nilang anak na si Alas Joaquin ng kaniyang ika-4 taong kaarawan. Ibinihagi naman ito ni Kylie Padilla sa kaniyang Instagram account sa pamamagitan ng pagpost ng litrato kalakip ang kaniyang mensahe para sa anak.

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Ipinost ni Kylie ang litrato ng kaniyang napakapoging anak kasama ang kaniyang pagbati para sa kaarawan nito. Sabi niya na “Para sa batang lalaki na naging dahilan kung bakit ako naging isang ina, para sa batang lalaki na nagpabago ng aking buhay. Para sa batang lalaking nagbigay layunin sa akin at nagbukas ng aking puso. Para sa lalaking nagpakilala sa mas mabuting bersyon ng aking sarili. Mahal kita kuya. Happy 4th Birthday”.

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Ibinahagi niya rin ang kanilang naging selebrasyon para sa nasabing kaarawan. Ayon pa nga kay Kylie na ang kanilang orihinal na plano ay ang pagcamping, ngunit dahil tayo nga ay dumaranas ng ECQ dahil sa pandemya ay napagdesisyunan nilang ipagdiwang na lamang ito sa loob ng kanilang bahay. Dagdag niya pa naging masaya ang kanilang pagdiriwang sapagkat napuno ng pagmamahal ang kanilang tahanan para kay Alas. Sabi niya pa na “Sometimes it’s the simplest things that matter”.

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Image Courtesy: Kylie Padilla / Instagram

Hindi naman mawawala ang pagbati ng kaniyang ama na si Aljur Abrenica at ibinahagi ang kaniyang pagbati sa kaniyang Instagram account. Ayon kay Aljur na nagpapasalamat siya sa itaas dahil ibinigay sa kaniya si Alas. Wala na raw mahihiling pa ang aktor dahil kabutihan at kalinawan daw ang idinulit ni Alas sa kanilang buhay. Ipinagmamalaki niya rin ang kaniyang anak dahil marami raw siyang natutunan dito bilang isang tatay. Sinabi niya rin na mahal na mahal niya ang kaniyang anak at patuloy daw siyang mabubuhay ng malakas, matatag at mabuting ama para kay Alas.

Image Courtesy: Aljur Abrenica / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.