Nagtagpo na si Ninong Inigo Pascual at Baby Jude Paterson na anak ng kaibigan niyang si Janella Salvador

Para sa karamihan malapit na magkaibigan sina Inigo Pascual at magpartner na si Janella Salvador at Markus Paterson. Isa na rin siguro sa dahilan ay magkasama sila sa iisang Industriya at iisang istasyon. At sa kadahilanan na rin na hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad.

Image Courtesy: Markus Paterson / Instagram

Nitong nakaraan nga lang ay napabalitang nagdadalang-tao ang aktres na si Janella Salvador sa kaniyang kasintahan na si Markus Paterson. Nakaraang taon naman buwan ng Oktobre nang isilang niya ang kanilang unang anak at pinangalanan nilang Jude Paterson.

Image Courtesy: Markus Paterson / Instagram

Sa lapit nga nilang magkakaibigan hindi na nakapagtataka na naging ninong ni baby Jude si Inigo Pascual. Samantala kamakailan lang nga ay nagtagpo ng ang dalawa dahilan upang sila ay pag-usapan at kagiliwan ng netizens.

Image Courtesy: Markus Paterson / Instagram

Ipinagmamalaking ibinahagi ng mang-aawit at aktor na si Inigo Pascual ang kanilang pagtatagpo ng kaniyang inaanak na si baby Jude. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang litrato sa kaniyang Instagram account kalakip ang maikling mensahe.

Image Courtesy: Inigo Pascual / Instagram

Sinabi niya na “My Godson” dagdag niya rin na minarkahan na raw siya ng kaniyang inaanak sa kadahilanang inihian siya nito habang karga-karga niya si baby Jude.

Image Courtesy: Inigo Pascual / Instagram

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na minarkahan ni baby Jude ang kaniyang teritoryo sapagkat nagawa niya na rin ito sa kaniyang ama na si Markus Paterson. Kung maaalala nga natin ay ibinahagi ito ni Markus sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Markus Paterson / Instagram

Sinabi pa ni Markus sa kaniyang caption na akala niya raw na ang init na kaniyang nararamdaman sa kaniyang tiyan ay sa kadahilanang siya ay balisa sapagkat karga niya ang kaniyang anak. Ngunit ang rason pala nito ay ang pag-ihi sa kaniya ni baby Jude.

Image Courtesy: Markus Paterson / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.