Ibinahagi ng mag-asawang si John Prats at Isabel Oli ang kanilang ipinapagawang dream house

Ang isang pamilya ay hindi nakokompleto kapag walang haligi ng tahanan o ang tatay, ilaw ng tahanan o ang nanay, at siyempre ang mga anak. At siyempre hindi rin ito makokompleto kapag walang ang kanilang dream house o sarili nilang tahanan.

Image Courtesy: Isabel Oli / Instagram

Kamakailan lang nga ay ibinahagi ng pamilyang Prats ang kanilang ipinapagawang bahay na masasabing kanilang dream house. Ginawa ito ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli sa pamamagitan ng pagpost sa kanilang Instagram account.

Image Courtesy: Isabel Oli / Instagram

Masasabi mo nga talagang unti-unti na nilang nakakamit ang kanilang pinapangarap na dream house sapagkat nasimulan na itong ipagawa. Kung makikita nga natin sa ipinost nila ay ipinasilip nila ang lote kung saan nila balak ipatayo ang kanilang bahay.

Image Courtesy: Isabel Oli / Instagram

Sabi rin ni Isabel Oli sa kaniyang caption na “Panibagong araw, panibagong biyayang natanggap. Habambuhay na magpapasalamat. Thank you God”. Dagdag niya rin na “Ito na yon cuff @johnprats”. Kung makikita rin natin sa litrato ay kasama ni Isabel Oli ang kaniyang dalawang anak na sina Feather at Freedom.

Image Courtesy: Isabel Oli / Instagram

Ibinahagi rin ni John Prats ang parehong litrato na may kalakip na maikling mensahe. Sabi niya na “A house is built with boards and beans, a home is built with love and dreams” na talaga namang nakaka-inspire.

Image Courtesy: John Prats / Instagram

Ibinahagi rin ng mag-asawa ang construction na may hawak sa pagpapagawa ng kanilang dream house. Ito ay ang DS Prats Construction of the DS Prats Group of Companies. Kung maalala nga natin ay noong taong 2019 buwan ng Disyembre nang kanilang nabanggit ang planong paglilipat sa bagong bahay sa kanilang Youtube vlog at ipinasilip rin ang lote.

Ang dalawa ay halos 6 na taong nagsasama na bilang mag-asawa. At kamakailan lang nga ay ipinagdiwang nila ang unang kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Forest kung saan ay nagkaroon sila ng party sa kanilang bahay na may temang teddy bear.

Image Courtesy: Isabel Oli / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.