Kumpirmado na ang relasyon ng artistang sina Bea Alonzo at Dominic Roque dahilan upang sila ay kakiligan ng netizens

Nakaraan ay umugong ang haka-haka na ang artistang sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay may relasyon sa isa’t isa. Dahilan nito ang madalas na makita silang magkasamang dalawa sa kanilang mga bakasyon.

\

Image Courtesy: Dominic Roque / Instagram

Kung ikaw ay solido nilang tagahanga ay mapapansin mo rin ito sa kanilang mga Instagram account. At ngayon nga ay kinumpirma na mismo ng aktres na si Bea Alonzo ang haka-hakang ito na siya at ang aktor at modelong si Dominic Roque ay may relasyon sa isa’t isa.

Image Courtesy: Dominic Roque / Instagram

Ibinahagi niya ito sa panayam sa kaniya ng news program ng Kapuso channel noong ika-9 ng Agosto taong kasalukuyan. Sinabi niya pa na hindi niya ito plinano kung hindi ay nangyari lang lahat ng ito ng natural.

Image Courtesy: Bea Alonzo / Instagram

Inamin din ng aktres na naging maingat siya sa publiko kapag pinag-uusapan ang relasyon nilang dalawa ni Dominic Roque. Ngunit hindi niya naman daw ito tinago sa kaniyang mga tagahanga kung kaya’t may nakikita tayong mga post nilang dalawa sa kanilang mga Instagram account.

Image Courtesy: Dominic Roque / Instagram

Dagdag pa ng aktres na naging maingat lang daw siyang ipaalam sa kaniyang mga tagahanga dahilan na rin sa kaniyang nakaraang karanasan. Sabi pa niya na dahil sa kaniyang mga naranasan, sinigurado niya muna kung saan ba patungo ang kanilang pagtitinginan ng aktor bago ito gawing official.

Image Courtesy: Bea Alonzo / Instagram

Sinabi rin ng aktres na kahit na isinapubliko niya ang kanilang relasyon ni Dominic ay ang pribadong sandali naman na kasama niya si Dominic ang kaniyang pinaka-pinahahalagahan. Sabi niya pa na kahit daw sa kaniyang mga nakaraang relasyon ay hindi siya naging ganoon ka-bukas sa publiko. Para sa kaniya raw ay ang pinakamahalagang sandali sa isang relasyon ay yong sandali na hindi naibabahagi sa social media. Dagdag pa niya na ganoon daw ang gusto niya.

Image Courtesy: Bea Alonzo / Instagram

Kinumpirma nga ito ng aktres matapos silang makitang magkayakap sa kanilang camping trip sa California, United States. Nang dahil nga doon ay pinag-usapan sila ng kanilang mga tagahanga at nagtanong kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon.

Image Courtesy: Dominic Roque / Instagram

Kung maalala nga natin ay nakaraang taon inamin ng aktor na si Dominic Roque ang kaniyang paghanga kay Bea Alonzo. Taong kasalukuyan naman buwan ng Abril ng inamin ni Bea na nagkikita sila ni Roque ngunit hindi pa masasabing sila ay nasa isang relasyon na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.