Ibinahagi na ng aktres na si Nikki Gil ang kasarian ng kaniyang pangalawang anak dahilan upang ikatuwa ng kaniyang fans

Kamakailan nga lang ay ipinahayag ng aktres na si Nikki Gil ang kaniyang pagdadalang tao sa kaniyang pangalawang anak. Ngunit sa panahon iyon ay hindi niya pa alam ang kasarian nito.

Image Courtesy: Nikki Gil / Instagram

Ngayon nga ay kaniyang ibinunyag na ang kasarian ng kaniyang ipinagbubuntis sa kaniyang non-showbiz husband na si BJ Albert. Ito nga ay isang sanggol na babae. Ito ay kaniyang ibinahagi sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang litrato ng kaniyang panganay na anak.

Image Courtesy: Nikki Gil / Instagram

Ang nasabing litrato ay nagpapakita na yakap-yakap ng kaniyang panganay na anak ang kaniyang baby bump. Kalakip din ito ng maikling mensahe na Ini-enjoy niya raw ang kanilang oras ng kaniyang panganay na lalaki bago ito maging kuya sa kaniyang kapatid na babae. At ito ang kaniyang naging rebelasyon sa publiko.

Image Courtesy: Nikki Gil / Instagram

Kung paano niya ipinahayag ang kasarian ng kaniyang magiging anak ngayon ay ganoon din niya ipinahayaag noon ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang panganay na lalaki. Nakakatuwa rin ang kaniyang ginawa na pakulo bago niya ibunyag sa publiko at kaniyang mga tagahanga ang kaniyang muling pagbubuntis.

Image Courtesy: Nikki Gil / Instagram

Ang kaniyang ginawa ay tinanong niya ang kaniyang panganay na anak na si Finn kung handa na ba itong maging kuya. Kalakip nga nito ang litrato ng kaniyang anak na yakap ang kaniyang baby bump.

Image Courtesy: Nikki Gil / Instagram

Si Nikki Gil at BJ Albert ay nag-isang dibdib sa pamamagitan ng tradisyonal na kasal ng isang Christian wedding noon taong 2015 buwan ng Nobyembre. Makalipas naman ng 2 taong pagsasama bilang mag-asawa ay dumating at biniyayaan sila ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Finn.

Image Courtesy: Nikki Gil / Instagram

Kinagiliwan nga ng mga netizens ang nasabing rebelasyon ng aktres na si Nikki Gil kung saan ay nagkaroon ng samu’t-saring reaksyon at positibong komento. Hindi rin mawawala ang pagbati mula sa kanilang mga kasamahan sa Industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.