Ibinahagi ni Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang Civil wedding na lubos ikinatuwa ng mga netizens

Sa isang relasyon, darating talaga kayo sa punto na gugustohin niyo nang magkaroon ng label ang inyong relasyon. Hindi lang basta kasintahan o live-in partner kundi ito ay mas mataas pa doon. Iyong tipong parehas na kayo ng apelyido at matatawag mo siyang kabiyak o asawa panghabambuhay.

Image Courtesy: Angel Locsin / Instagram

Katulad nalang nga ng celebrity couple na sina Angel Locsin at Niel Arce na kamakailan lang ay ikinasal sa pamamagitan ng isang civil wedding. Ibinahagi nga ito ng aktres at sinabing bago pa mag ECQ ay ikinasal na sila. Sinabi rin ng aktres na hindi rin nila naimbitahan ang lahat ng kanilang mga kakilala sapagkat noong mga oras na iyon ay bumabagyo.

Image Courtesy: Angel Locsin / Instagram

Ngunit nakakagulat raw na noong araw na iyon lamang sumikat ang araw. Dagdag naman ng kaniyang asawa na si Neil Arce na iyon din ‘yong araw na nanalo ng gold ang pinay athlete na si Hidilyn Diaz sa Olympics at iyon nga daw ang kanilang pinag-uusapan habang sila ay kumakain.

Image Courtesy: Nice Print Photo / Instagram

Kung maalala natin nanalo si Hidilyn ika-26 nakaraang buwan taong kasalukuyan, sa madaling salita ay noong araw na iyon, ‘yon din ang araw na silang dalawa ay nag-isang dibdib. Ayon naman sa mag-asawa na ang kanilang kasal ay eksakto sa kung papaano nila ito ginusto.

Image Courtesy: Angel Locsin / Instagram

Sabi pa ni Angel Locsin na kung ano raw ang nangyari sa kanilang kasal ay para bang malapit daw ito sa kanila, napakasimple at parang katulad daw nila. Inalala rin ni Neil ang ilan sa mga detalye kung bakit naging simple ang kanilang naging kasal. Ito raw ay kung papaano sila pumunta sa kanilang civil wedding.

Image Courtesy: Nice Print Photo / Instagram

Ayon nga kay Neil Arce na napakasimple ng kanilang naging kasal. Sapagkat para sa kaniya raw ay sila lang daw ang bride at groom na pumila pa sa elevator bago ikasal. ‘Yong mga oras daw na iyon ay may pila ang elevator ng dahil sa pandemic at kinakailangan na apat-apat lamang ang puwede sa loob. Dala-dala pa raw niya ‘yong bulaklak niya noong mga oras na iyon.

Image Courtesy: Nice Print Photo / Instagram

Para sa karamihan noong taong 2019 pa nang si Neil Arce ay nagpropose kay Angel Locsin. Matapos nga noon ay pinagplanuhan na nila ang kanilang magiging kasal. Subalit madami ang nangyari hanggang sa nagkaroon pa ng pandemya. Hanggang napagplanuhan nalang nila na magpakasal na agad kahit na civil wedding lang at hindi magarbo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.