Ang bilin ng batikang aktor na si Eric Fructuoso sa kaniyang panganay na si Frederick ay hinangaan ng netizens

Bilang isang magulang apektado tayo sa lahat ng mga magiging desisyon at aksyon ng ating mga anak. Dahil isa ito sa mga nagiging basehan kung paano ka naging mabuting magulang para sa iyong anak. Lalo na sa mga haligi ng tahanan na may anak din na lalaki.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Kung kaya’t dapat na maging isang mabuti tayong halimbawa sa kanila o mapalaki natin ang ating mga anak ng mabuti. Katulad nalang nga ng dating aktor na si Eric Fructuoso sa kaniyang panganay na anak na si Frederick kung saan ay malapit na itong bumuo ng sariling pamilya.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Kaya naman bilang isang magulang, binigyan ng payo ni Eric Fructuoso ang kaniyang panganay na anak para sa panibagong yugto ng kaniyang magiging buhay. Ibinahagi nga ito kamakailan ng dating aktor sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Sa maikling bidyo nga na ipinost ng dating aktor na si Eric ay makikita na pinayuhan niya ang kaniyang anak at sinabi rin na huwag gagayahin ang kaniyang mga pagkakamali noon. May maikli rin itong caption na nagsasabing magiging lolo na siya dahil na rin siguro magkaka-anak na ang kaniyang panganay.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Ayon nga kay Eric Fructuoso na base sa kaniyang mga naging karanasan ay alam niya na marami siyang naging kasalanan at sinabi niya sa kaniyang anak na huwag itong tularan. Pinayo niya rin na alagaan niya ang kaniyang magiging asawa, pakinggan niya ito, at dapat sumunod din sa mga sinasabi nito.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Pagpapatuloy na payo ni Eric na huwag daw magpapabiktima sa tukso ang anak. Dahil daw para kay Eric ay magpa-hanggang ngayon ay kahit nasa 44 taong gulang na ang aktor ay nabibiktima pa rin siya ng tukso.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Sinabi rin ni Eric na hindi raw siya nakaranas ng panliligaw ngunit lagi raw siyang tinatrabaho ng mga babae kung kaya’t minsan ay nauuto raw siya. Dagdag pa niya na marupok daw siya kaya kapag sinabi raw ng babae na mahal siya nito ay pagmamahal din ang kaniyang isasagot dito.

Image Courtesy: Eric Fructuoso / Instagram

Sinabi rin ni Eric na ang ibig niyang sabihin ay maging totoo lang siya sa kaniyang magiging asawa. Mahalin niya ito na para bang wala nang bukas. At huwag daw magpapaniwala sa ibang babae. Sa pagtatapos nga ng bidyo ay sinagot siya ng kaniyang anak ng “Yes boss’.

Leave a Reply

Your email address will not be published.