Kinabiliban ng netizens ang artistang si Ysabel Ortega matapos siyang makapagtapos sa kolehiyo sa kursong BA Degree in Political Economy

Madami-dami na rin tayong natunghayan na ating mga iniidolo na ibinahagi ang kanilang mga naging achievement hindi lamang sa mundo ng showbiz kung hindi pati na rin sa kanilang personal ma buhay.

Image Courtesy: Ysabel Ortega / Instagram

Tulad nalang nga ng artistang si Ysabel Ortega. Para sa karamihan ang aktres na ito ay anak ng batikang artista at isa na ngayong politician na si Lito Lapid. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung saan niya nakuha ang galing sa pag-arte. Hindi mo rin maikakaila na mayroon siyang magandang mukha kung kaya’t hindi naging mahirap para sa kaniya na pasukin ang mundo ng show business.

Image Courtesy: Ysabel Ortega / Instagram

Samantala mapapabilib at mapapahanga kang talaga sa artistang ito sapagkat kamakailan lang ay kaniyang ibinahagi ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo kung saan nagkaroon siya ng BA Degree sa Political Economy.

Masasabi mong hindi lang maganda ang dalaga kung hindi may ibubuga rin ang kaniyang katalinuhan. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram account ng isang litrato. Ang nasabing litrato ay ang kaniyang sarili na suot ang kaniyang toga.

Image Courtesy: Ysabel Ortega / Instagram

Kung makikita naman sa kaniyang Official account ay mayroon itong kalakip na mahabang mensahe kung saan ay masasabi mo talagang hindi naging madali para sa kaniya ang lahat bago niya ito mapagtagumpayan.

Image Courtesy: Ysabel Ortega / Instagram

Ayon pa sa kaniya na sa nakalipas na mga taon ay kaniyang ibinuhos ang lahat ng kaniyang puso, luha, at kaniyang oras para makompleto niya ang kaniyang degree at hindi raw siya makapaniwala na ngayon ay natapos niya na ito.

Image Courtesy: Ysabel Ortega / Instagram

Ibinahagi rin ng dalaga kung paano niya napagsabay ang kaniyang pag-aaral at ang kaniyang pag-aartista. Ayon pa sa kaniya na para lang mapanatili niyang gising ang kaniyang sarili ay umiinom siya ng energy drinks at kape. Sinabi niya rin marami daw ang nagsabi sa kaniya na mamili na lamang sa dalawa kung pag-aartista ba o ang kaniyang pag-aaral.

Image Courtesy: Ysabel Ortega / Instagram

May mga panahon pa nga daw na malapit na siyang bumitaw at sumuko ngunit hindi niya ito ginawa at inisip na lamang ang kaniyang mga pangarap. At ngayon nga ay isa siya sa mga patunay na kapag inilagay moa ng iyong puso sa anumang bagay na nais mong makamit, mangyayari at mangyayari ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *