Matapos ang dalawang taon mula nang ikasal si Makisig Morales, kitang-kita pa rin ang init ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa

Madami na tayong iniidolo na natunghayan nating nag-iba ng tinahak na landas. “Yong iba nga ay mas piniling malayo sa buhay ng kasikatan. Tulad nalang nga aktor at mang-aawit na si Makisig Morales. Kung maalala nga natin ay isa siya sa pinakamagaling na child star noong kaniyang kabataan at ngayon nga ay nagpahinga sa pag-aartista.

Image Courtesy: Makisig Morales / Instagram

Para sa karamihan nagsimula ang karera ni Makisig Morales nang sumali siya sa programang “Little Big Star” ng Kapamilya channel. Pagkatapos nga noon ay siya ay nadiskubre at nagkaroon ng marami pang mga proyekto. Isa nga sa tumatak sa kaniyang mga tagahanga ay ang palabas niyang “Super Inggo” kung saan siya ang pangunahing tauhan.

Image Courtesy: Makisig Morales / Instagram

Nagtuloy-tuloy nga ang takbo ng kaniyang karera at nakatrabaho pa niya ang ibang bigatin at tanyag na personalidad sa showbiz. Huli natin siyang napanood sa teleseryeng “Bagani” ng Kapamilya channel. Makalipas nga ang isang taon ay nabalitaan natin na siya ay ikinasal na sa kaniyang asawa na si Nicole Joson.

Image Courtesy: Makisig Morales / Instagram

Kamakailan nga lang ay muling napag-usapan ang aktor na si Makisig Morales nang ibahagi ng isang Clothing Brand ang litrato niya at ng kaniyang asawa na si Nicole Joson kung saan suot nila ang tradisyunal na kasuotan nating mga Pilipino.

Image Courtesy: Litrato Wedding & Lifestyle Photography / Facebook

Kung makikita natin ang kanilang litrato ay suot ni Makisig ang isang barong tagalog na tradisyunal na kasuotan ng isang Pilipinong lalaki at sa kaniyang asawa naman ay ang tradisyunal na baro’t saya para sa isang Pilipinong babae.

Image Courtesy: Litrato Wedding & Lifestyle Photography / Facebook

Nagkaroon naman ito ng samutsaring reaksyon at samutsaring komento. Karamihan ay ipinagmamalaki ang ating lahing Pilipino. Sa kabilang banda naman ay nagbahagi rin si Makisig Morales ng isang video patungkol sa kanilang ginawang pagmomodelo.

Image Courtesy: Litrato Wedding & Lifestyle Photography / Facebook

Sabi pa ng aktor na “Napasabak ang lolo niyo sa pagmomodel” nang pabiro. Sinabi niya rin na isang biyaya ang makatrabaho ang mga talentadong tao sa likod ng kanilang naging photo shoot. Para sa karamihan naman buwan ng Enero taong kasalukuyan ng ipagdiwang nilang mag-asawa ang kanilang ika-2 taong pagsasama.

Image Courtesy: Makisig Morales / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *