Ibinahagi ng aktor na si John Lloyd Cruz ang isang litrato kasama si Elias at kaniyang tatay bilang pagbati sa kaarawan ng kaniyang ama

Kung isa ka sa tagahanga ng batikang aktor na si John Lloyd Cruz mapapansin mo na hindi siya bukas sa publiko ng kaniyang personal na buhay. Bihira lang kung magbahagi ang aktor ng kaniyang pribadong buhay sa kaniyang mga tagahanga.

Image Courtesy: John Lloyd Cruz / Instagram

Kaya kamakailan lang ay talaga nga namang napag-usapan ang ginawang pagpost ng aktor sa kaniyang Instagram account ng isang litrato. Ang nasabing litrato ay para sa kaniyang ama na nagdiwang ng kaniyang kaarawan.

Image Courtesy: John Lloyd Cruz / Instagram

Ang nasabing post ay litrato ni John Lloyd Cruz kasama ang kaniyang anak na si Elias at kaniyang ama. Kung makikita rin ay para bang nasa bahay kubo sila sa mga panahong iyon. Kalakip naman ng post ang isang mensahe na nagpapasalamat si John Lloyd sa kaniyang tatay at binati niya rin nito para sa kaniyang kaarawan.

Image Courtesy: John Lloyd Cruz / Instagram

Nagkaroon naman ito ng samu’t-saring komento at reaksyon dahil nga bihira lang magshare ng kaniyang buhay ang aktor. Hindi naman mawawala ang komento at pagbati ng kaniyang mga kasamahan sa Industriya at mga malapit ng kaibigan.

Image Courtesy: John Lloyd Cruz / Facebook

Nagbigay ng pagbati ang malalapit niyang kaibigan na sina Maja Salvador at Rambo Nunez. Pati na rin ang Kapamilya anchor na si Karen Davila ay nagbigay ng komento para sa kaniyang tatay. At siyempre hindi mawawala ang kaniyang mga solidong mga tagahanga at tagasuporta.

Image Courtesy: John Lloyd Cruz / Facebook

Kung maalala nga natin ay namahinga ang aktor sa paglabas sa telebisyon at ngayon ay muling nagbabalik bilang isang aktor sa kapuso channel. Inamin naman ng aktor na hindi naman daw siya nawala sa showbiz at gumagawa naman daw siya ng mga maliliit na proyekto.

Image Courtesy: John Lloyd Cruz / Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published.