Ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal ang kanilang naging prenup photo dahilan upang kabiliban sila ng netizens

Kasiyahan ng mga kababaihan ang ikasal sila sa kanilang minamahal. ‘Yon bang makakasama nila panghabambuhay. Kaya naman karamihan sa atin lalo na sa ating mga iniidolo ay talaga namang pinaghahandaan ang ganitong klaseng okasyon.

Image Courtesy: Kris Bernal / Instagram

Tulad nalang nga ng aktres na si Kris Bernal na kamakailan lang ay ibinahagi ang kanilang naging prenup photo ng kaniyang partner na si Perry Choi. Kung makikita nga sa nasabing mga litrato ay masasabi mo talagang pinaghandaan nila ang kanilang magiging kasal.

Image Courtesy: Kris Bernal / Instagram

Kalakip din ng kaniyang naging post ang mahabang mensahe. Sabi niya na naging challenging ang pagpaplano ng kanilang magiging kasal ngayon panahon ng pandemya. Hindi natin masasabi kung kailan magkakaroon ng lockdown. Kaya raw noong nagkaroon ng pagkakatoon ay sinungaban na nila.

Image Courtesy: Kris Bernal / Instagram

Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga nagbabalak na magpakasal ngayong may pandemya. Sabi niya na gusto niya lang ipaalam na hindi kayo nag-iisa, may karamay kayo. Sinabi niya rin na huwag na magpaka-stress sa mga nangyayari ngayon na hindi naman natin kontrolado. Sinabi niya rin na “Love is not cancelled despite our weddings being postponed” na talagang hinangaan ng netizen.

Image Courtesy: Kris Bernal / Instagram

Nakilala natin nag aktres na si Kris Bernal ng sumali siya sa talent search na “StarStruck” ng Kapuso channel kung saan ay isa siya sa mga tinanghal na “Ultimate Survivor”. Naging daan din ito upang pasukin niya ang mundo ng show business.

Image Courtesy: Kris Bernal / Instagram

Isa nga siya sa mga sumikat sa kanilang batch noon at naging matagumpay din ang kanilang tambalan ng aktor na si Aljur Abrenica. Mula nga noon ay nagkaroon pa siya ng maraming proyekto at mga teleserye sa nasabing network.

Image Courtesy: Kris Bernal / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.