Kinagiliwan ng netizens ang napakacute na anak ni Jhong Hilario nang ibahagi niya ang nakakatuwang larawan nito

Nakilala natin si Jhong Hilario bilang isang magaling na mananayaw nang maging kagrupo siya ng sikat na dance group noong 1990’s na “Streetboys”. Ito nga ang kaniyang naging daan upang makapasok sa mundo ng showbiz.

Image Courtesy: Jhong Hilario / Facebook

Nagsimula naman siyang umarte taong 1996 hanggang sa nagkaroon at namayagpag pa ang kaniyang karera. Hanggang sa isa nga siya sa naging host sa noontime show na “It’s Showtime” ng kapamilya channel.

Image Courtesy: Jhong Hilario / Facebook

Nakilala natin siya bilang isang masayahing tao. Hindi rin matatawaran ang kaniyang galing sa pag-arte at kahit anong role ang ibigay sa kaniya ay kaniyang nagagampanan ng maayos. Hanggang sa nabalitaan nga natin na siya at ang kaniyang asawa ay magkakaroon na ng anak.

Image Courtesy: Jhong Hilario / Instagram

Isa na nga rin siguro ito sa dahilan kung bakit ang aktor ay hindi na ganoon ka-aktibo sa showbiz. Ngunit hindi ito naging hadlang upang kaniyang mapasaya ang kaniyang mga tagahanga. Sapagkat kamakailan lang ay ibinahagi ng aktor ang litrato ng kaniyang anak na talagang kinagiliwan ng netizens.

Image Courtesy: Jhong Hilario / Facebook

Image Courtesy: Jhong Hilario / Facebook

Kung makikita nga natin sa kaniyang social media ay talagang ibinabahagi niya ang kanilang masayang sandali sa kanilang bahay lalo na ng kaniyang baby. Ang nasabing litrato naman kung saan kinagiliwan ng mga netizen ay ang litrato ng kaniyang baby na nilagyan niya ng buhok at talagang napaka-cute nga ng kinalabasan.

Image Courtesy: Jhong Hilario / Facebook

Hindi mo rin masisisi si Jhong Hilario kung bakit mas pinili niyang mamahinga muna sa show business. Dahil bilang isang magulang ay talaga nga namang mas uunahin mo ang kaligtasan ng iyong pamilya lalo na ngayong may pandemya.

Image Courtesy: Jhong Hilario / Facebook

Kaya kahit nga na lagi siya nananalo sa “Your Face Sounds Familiar” ng kapamilya channel ay mas pinili niyang tumigil muna sa nasabing programa. At kahit na isa rin siya sa regular na host ng programang “Show time” ay mas pinili niya rin na mamahinga muna at manatili sa bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *