Kinakiligan ng netizen ang ibinahaging mensahe ng aktres na si Andi Eigenmann para sa kaniyang minamahal na si Philmar Alipayo

Sa buhay ng isang indibidwal talaga nga namang isang biyaya ang makatagpo ng isang tao na handang tanggapin ang lahat-lahat sayo. ‘Yong kaya kang mahalin higit sa pagmamahal na ibinibigay mo. ‘Yong tipong mas pipiliin ang simpleng pamumuhay kaysa sa komplikadong mundo ng karangyaan.

Image Courtesy: Andi Eigenmann / Instagram

Tulad nalang nga ng magkapareha na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Kung isa ka sa kanilang tagahanga ay talagang mapapansin mo kung gaano kasimple ang kanilang buhay. Kaya masasabi mo talaga na suwerte sila sa isa’t-isa.

Image Courtesy: Andi Eigenmann / Instagram

Kung maalala nga natin ay si Andi Eigenmann ay sanay sa marangyang buhay sapagkat galing siya sa may kaya na pamilya. Kung malalaman niyo rin ay galing si Andi Eigenmann sa pamilya ng mga artista. Magmula sa kaniyang lolo at lola hanggang sa kaniyang mga magulang at kapatid at siyempre pati na rin ang kaniyang mga pinsan at tita at tito ay talagang may pangalan sa Industriya ng showbiz.

Image Courtesy: Andi Eigenmann / Instagram

Kaya naman masasabi mong napakasuwerte ng kaniyang kapareha at mas pinili niyang mamuhay ng simple at malayo sa mundo ng kasikatan. Si Philmar Alipayo naman ay isang atleta o surfer kung saan ay kinatawan na rin ang bansa sa patimpalak sa iba’t ibang bansa.

Image Courtesy: Philmar Alipayo / Instagram

Masasabi mo ngang napaka-suwerte rin ni Andi sa kaniya sapagkat napakaresponsable niyang asawa. At tinanggap lahat ng mayroon si Andi kahit ang anak nito ay itinuring niya ring anak na talagang nagpa-ibig kay Andi.

Image Courtesy: Andi Eigenmann / Instagram

Kaya naman kamakailan lang ay ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang kaniyang mensahe para sa kaniyang minamahal na si Philmar. Ito ay kaniyang ginawa sa araw ng kaarawan ni Philmar. Kahit na ilang beses nang nasabi ni Andi kay Philmar kung gaano niya ito kamahal, ngayon naman ay masasabi ni Andi na kinokompleto siya ni Philmar.

Image Courtesy: Andi Eigenmann / Instagram

Sabi rin ni Andi na naging makulay at masaya ang kaniyang buhay nang dumating si Philmar sa kaniyang buhay. Dagdag niya rin na hindi niya ipagpapalit sa anumang bagay ang buhay na binuo nila ni Philmar ngayon.

Image Courtesy: Andi Eigenmann / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.