Ibinahagi ng aktres na si Janine Gutierrez ang mga lumang larawan ng kaniyang lola na si Pilita Corrales

Talaga nga namang ipagmamalaki mo kapag ikaw ay nasa pamilya ng mga magagaling magtanghal sa entablado. Hindi lang basta sa ating bansa kung hindi ay pang world class talaga.

Image Courtesy: Janine Gutierrez / Instagram

Tulad nalang nga ng aktres na si Janine Gutierrez na alam naman natin na galing sa pamilya ng mga aktor at aktres. Kaya na rin siguro sa Industriya ng showbiz din ang kaniyang tinahak na landas. Masasabi mo rin talaga na isa siyang magaling na aktres.

Image Courtesy: Janine Gutierrez / Instagram

Para sa karamihan naman ay lola niya ang isang alamat na si Pilita Corrales kung saan ay nagbigay ng malaking karangalan sa ating bansa. Binansagan din siyang “Asia’s Queen of Songs” sa buong Asia. At kung isa ka sa tagahanga ni Pilita Corrales ay alam mo na nagbigay siya ng karangalan sa ating bansa nang manalo siya noong 1972 sa “Tokyo Music Festival”.

Image Courtesy: Janine Gutierrez / Instagram

Kamakailan lang nga ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Pilita Corrales kung saan ay hindi siya nakalimutang batiin ng kaniyang mga tagahanga at ng kaniyang mga mahal sa buhay. Isa nga rito ang kaniyang apo na si Janine Gutierrez.

Image Courtesy: Janine Gutierrez / Instagram

Para sa kaarawan ng kaniyang lola ibinahagi ni Janine Gutierrez ang mga lumang litrato ni Pilita Corrales kung saan ay nagkaroon ito ng samutsaring komento at reaksyon. Kung makikita natin sa larawan ay talaga nga namang napakaganda ni Pilita noong kaniyang kabataan.

Image Courtesy: Janine Gutierrez / Instagram

Masasabi mo rin kung saan galing ang kagandahan ni Janine Gutierrez sa mga litrato na magkasama silang dalawa. Kalakip naman ng mga litrato ang kaniyang mensahe para sa kaniyang lola. Sinabi ni Janine kung gaano siya ka-suwerte sa kaniyang lola. Sinabi niya rin kung gaano niya kamahal ang kaniyang mamita.

Image Courtesy: Janine Gutierrez / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *