Kinagiliwan ng netizens ang naging Birthday party ng aktres na si Ella Cruz na may konsepto na Kiddie Party

Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang kagustuhan sa buhay na gusto nating maranasan. ‘Yong iba gusto nilang maranasan na maging prinsesa sa kanilang kaarawan. ‘Yong iba gusto nila maging katulad ng kanilang iniidolo na palabas.

Image Courtesy: Ella Cruz / Instagram

Kadalasan nga na nangyayari ito ay sa mga kabataan. Ngunit ibahin niyo ang ating iniidolo na si Ella Cruz na ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ay naging “Kiddie Party” na kadalasan ay ginagawa sa mga edad 10 taong gulang pababa.

Image Courtesy: Ella Cruz / Instagram

Talaga nga namang kinagiliwan ng netizens ang pangyayaring ito. Ibinahagi naman ito ni Ella Cruz sa kaniyang Instagram account sa pamamagitan ng pagpost ng mga litrato sa nasabing okasyon. Kalakip naman nito ang maikling mensahe.

Image Courtesy: Ella Cruz / Instagram

Sinabi niya na hindi talaga siya binigo ng kaniyang mga pamilya, kaibigan, at mga nagmamahal sa kaniya na siya ay sorpresahin. Sinabi rin ng aktres na dahil siya ay nasa 25 taong gulang na rin naman simple nalang ang kaniyang gusto pero binigyan daw siya isang children’s party.

Image Courtesy: Ella Cruz / Instagram

Dahil nga daw bawal ang lumabas para pumunta ng resort ay dinala na lamang nila ito sa kanilang bahay. Labis siyang nagpapasalamat sa kaniyang pamilya, sa kaniyang mama, mga kaibigan, at siyempre sa kaniyang kasintahan na si Julian Trono.

Image Courtesy: Ella Cruz / Instagram

Si Gabriela Annjane Umali Cruz ay kilala sa mundo ng showbiz bilang Ella Cruz. Isa siyang endorser, host, modelo, mananayaw, at aktres sa ating bansa. Nagsimula ang kaniyang karera taong 2006 mula sa Kapuso network at nagpalipat-lipat nga siya ng network. Ang kaniyang palabas na “Aryana” ang talaga nga namang tumatak sa ating mga Pilipino.

Image Courtesy: Ella Cruz / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *