Ibinahagi ng aktres na si Jackie Lou Blanco ang kaniyang larawan noong kaniyang kabataan na labis hinangaan naman ng netizens

Habang tayo ay tumatanda dumadating tayo sa punto na gusto nating balikan ang mga panahon ng ating pagkabata. Habang pumuputi at kumukulubot ang ating mga balat gusto nating maalala kung ano bang itsura nito noong tayo ay bata pa.

Image Courtesy: Jackie Lou Blanco / Instagram

Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsulyap sa mga naitago nating mga litrato. Tulad nalang nga batikang aktres na si Jackie Lou Blanco kung saan ay ibinahagi niya pa sa kaniyang Instagram account ang kaniyang litrato noong kaniyang kabataan.

Image Courtesy: Jackie Lou Blanco / Instagram

Talaga nga namang hinangaan ng netizens ang ginawang pagpost ng batikang aktres na si Jackie Lou Blanco ng litrato ng kaniyang kabataan. Makikita mo talaga ang kaniyang kagandahan sa nasabing litrato. Ang nasabing litrato raw ang kinuha noong siya ay nasa highschool pa lamang.

Image Courtesy: Jackie Lou Blanco / Instagram

Ito raw ay kuha ng kaniyang ina na si Pilita Corrales noong siya ay nasa edad 14 taong gulang pa lamang at ngayon nga ay nasa 57 taong gulang na siya. Napakasarap ngang alalahanin ang mga ganitong ala-ala at para bang binabalik ka nito sa nakaraan.

Nilagyan din ito ng caption ng aktres at sinabi na ang litrato raw na iyon ay siya noong kaniyang unang taon sa high school. Sinabi niya rin noong mga panahong iyon, siya ay matatakutin at mahiyain para sumubok ng mga bagay-bagay.

Image Courtesy: Jackie Lou Blanco / Instagram

Dagdag niya rin na kung may pagkakataon daw siya na makausap ang kaniyang sarili sasabihin niya na mag-enjoy lang at maging bukas sa mga bagong karanasan. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga kaibigian sa Industriya ang kaniyang post.

Image Courtesy: Jackie Lou Blanco / Instagram

Nakakuha ito ng samutsaring reaksyon at positibong mga komento. Napaka-classic at napaka-ganda raw sabi pa ng kaibigan niyang si Dimples Romana. Sabi pa ni Rita Avila na napaka-ganda raw ni Jackie Lou, talentado at mabait pero mahiyain. Dagdag pa ni Rita na siya rin daw ay mahiyain ngunit dahil mataba siya dati.

Leave a Reply

Your email address will not be published.