Ibinahagi ng batikang aktor na si Robin Padilla ang isang video para sa kanilang anibersaryo ng asawa niyang si Mariel Rodriguez

Isa sa mga pinakaimportanteng okasyon sa isang mag-asawa ang kanilang anibersaryo. Sapagkat ito ang araw kung kailan sila pinag-isang dibdib. Kaya bilang isang mabuting asawa kahit sa simpleng paraan ay sinisigurado natin na maipagdiwang ito at maipadama natin sa ating asawa kung gaano natin sila kamahal.

Image Courtesy: Mariel Rodriguez / Instagram

Tulad nalang ng batikang aktor na si Robin Padilla kung saan ay hindi nakalimot sa kanilang anibersaryo ng kaniyang mahal na si Mariel Rodriguez. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbahagi ng isang video sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Mariel Rodriguez / Instagram

Ang nasabing video ay ang kanilang pamamasyal sa ibang bansa noong taong 2014 para sa kanilang honeymoon. Kalakip naman ito ng maikling mensahe na nagsasabing ito raw ay isa sa kanilang naging honeymoon na napakasaya at puno ng adventure.

Image Courtesy: Robin Padilla / Instagram

Dagdag pa ng aktor na walang kaplano-plano raw ang kanilang naging bakasyon at kung saan basta magkasama ay bahala na kung saan nalang sila mapadpad. Ayon pa kay Robin na mula umaga hanggang gabi ay tawa lamang sila ng tawa.

Image Courtesy: Mariel Rodriguez / Instagram

Dagdag pa ng aktor na pinagtatawanan daw nila lahat kahit pa ‘yong mga bagay na hindi nakakatawa. Pati raw ‘yong ibang tao ay napapatawa na lang sa kanilang mga kalokohan lalo na raw kapag sila ay naliligaw at wala makaintindi sa kanila pag-english.

Image Courtesy: Mariel Rodriguez / Instagram

Sinabi rin ng aktor na ‘yon ang isang parte ng kaniyang buhay niya na hindi niya makakalimutan. Ito rin daw ang isa sa pinakamasayang road trip nila ng kaniyang asawa na si Mariel Rodriguez.

Hindi rin magpapahuli ang aktres na si Mariel Rodriguez para batiin ang kaniyang mahal na asawa na si Robin Padilla para sa kanilang naging anibersaryo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang litrato sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Mariel Rodriguez / Instagram

Ang nasabing litrato ay litrato nilang dalawa kung saan sila ay nasa kanilang bakasyon sa iba’t ibang bansa. Kalakip naman ito ng maikling mensahe na “11 years. Ikaw pa rin ang pipiliin ko @robinhoodpadilla Happy anniversary”.

Image Courtesy: Mariel Rodriguez / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.