Kamustahin natin ang aktres na nagpaiyak sa atin sa pelikulang Miracle in Cell No. 7

Ngayong panahon ay marami sa mga Pilipino ang nahumaling manuod ng mga Korean series at movies dahil sa ganda ng mga kwento nito. Ngunit mayroon talaga sa mga programa na ito ang tumatak sa ating buhay na hanggang ngayon ay atin pa ding binabalik balikan dahil sa sobrang ganda at galing ng mga artista na gumanap dito.


Photo Source: Kal So Won | Instagram

Tulad na lamang ng comedy drama na pinamagatang Miracle in Cell No. 7 na nagpatawa at nagpaiyak sa atin ng sobra-sobra. Ngayon kamustahin na natin ang buhay ng isa sa mga artista na gumanap dito.


Photo Source: Kal So Won | Instagram


Photo Source: Kal So Won | Instagram

Halos walong taon na din ang nakararaan nang ilabas ang pelikulang ito. Hindi natin malilimutan ang hapdi at kirot na naidulot sa ating mga puso lalo na ng bidang batang babae na si Kal So Won. Siya lang naman ang gumanap sa batang karakter sa pelikula na ito at kasama sa mga nagbigay ng kulay at popularidad sa mga manunuod.


Photo Source: Kal So Won | Instagram


Photo Source: Kal So Won | Instagram

Simula nang makita ang kanyang angking talento sa pag-arte ay naging daan ito upang maging isa siya sa mga sikat na aktres sa Korea at Pilipinas.
Sa kabila ng kanyang murang edad ay hindi niya binigo ang mga manunuod sa kanyang galing sa pag-arte kung kaya siya ay nabigyan ng isang parangal, tulad ng “Best Actress” at “Best New Actress” sa isang award ceremony na kilala sa tawag na Grand Belle Award.


Photo Source: Kal So Won | Instagram


Photo Source: Kal So Won | Instagram

Nakasama din siya sa mga sikat na Korean series noong 2016 na pinamagatang “Legend of the Blue Sea” at noong 2017 sa “A Korean Odyssey”. Isang taon na din ang nakalilipas nang magkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawang bida sa pelikulang Miracle in Cell No. 7.


Photo Source: Kal So Won | Instagram

Nagbahagi ng litrato ang aktor kasama ang aktres sa kanyang social media account na kung saan makikita natin ang saya nilang dalawa na makita ulit ang isa’t isa. Nito lamang nagdaang Agosto 20 ay ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-15 taong kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *