Pinatunayan ng kasambahay ni Pia Guanio kung gaano kabuting boss ang News Anchor

Hindi na iba sa buhay ng isang artista na magkaroon ng kaagapay sa kanyang buhay. Ito ay walang iba kundi ang tinatawag nating mga kasambahay. Marami na din tayong nabalitaan na mga kasambahay na nabigyan ng magandang buhay at pagkakataon ng kanilang among artista.


Image courtesy: Pia Guanio | Instagram

Ang iba sa kanila noong pasko lamang ay nagkaroon ng sarili nilang bahay, ang iba naman ay nabigyan ng mga gadgets, pera at higit sa lahat pinaaral ang kanilang mga anak. Sadyang mababait talaga ang ating mga idolo sa harap at likod ng kamera. Isa sa mga mabait na amo ng isang kasambahay ay si Pia Guanio na kung saan ang trato niya sa kanyang mga kasambahay ay parang anghel.


Image courtesy: Pia Guanio | Instagram

Kilalang kilala natin si Pia bilang isa sa mga magaling na anchor sa mga programa sa Kapuso Network tulad ng “24 Oras” sa Chika Minute segment. Maliban sa pagiging magaling ay natural na mabait ito sa kanyang mga kasambahay at ito ay pinatunayan ni Rodalyn Oliveros.


Image courtesy: Pia Guanio | Instagram

Kung matatandaan na nakasali si Rodelyn Oliveros na kasambahay ni Pia sa isang patimpalak sa Eat Bulaga na pinamagatang Maid in the Philippines. Nagbahagi ng iilang karanasan si Rodalyn sa programa tungkol sa kanyang amo na si Pia. Saad niya na napakaswerte niya na naging amo niya si Pia at ang asawa nito na si Steve.


Image courtesy: Pia Guanio | Instagram

Samantala nagkomento din si Pia tungkol sa kanyang kasamabahay na masarap umano ito magluto. Kung kaya hindi ito nagdalawang isip na papasukin niya si Rodalyn sa isang Cooking Class. Nagtagumpay naman si Rodalyn at mas lalo pa naging magaling sa pagluto ang nasabing kasambahay.


Image courtesy: Pia Guanio | Instagram

Nang unang makuha umano siya bilang kasambahay ni Pia ay itinalaga siya ng mag-asawa na mag-alaga ng kanilang bunsong anak na si Brooklyn. Makalaunan nang makitaan ng sipag at determinasyon si Rodalyn ay ginawa naman siyang all around maid sa household ng mga Guanio.


Image courtesy: Pia Guanio | Instagram

Ibinahagi naman ni Rodalyn na siya ay dating domestic helper at nagpapasalamat siya dahil napunta siya kay Pia matapos niyang umuwi sa Pilipinas. Hindi lamang umano kasambahay ang turing sa kanya ng pamilya Guanio kundi isang pamilya na din at kailanman ay hindi na niya kailangan na pumunta pa sa ibang bansa upang magtrabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published.