Ating kilalanin ang napakagandang kapatid na babae ni Lovi Poe na isang anak rin ni FPJ

Sa tulong ng social media ay parang nararating na natin ang ibang parte ng daigdig at nakikita ang mga nangyayari sa buhay ng mga sikat at iniidolo nating artista sa pamamagitan ng mga larawang nakikita natin sa kanilang social media account.

Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Sa industriya ng showbiz ay hindi natin maitatanggi na kilalang-kilala at sikat ang apelyidong “Poe”, dahil sa nag-iisang “The King” na walang iba kundi si Fernando Poe Jr., na talaga namang sinubaybayan at minahal ng mga Pilipino dahil sa kaniyang husay at galing sa kaniyang mga naging role sa mga pelikulang kaniyang ginampanan.


Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Sumunod sa kaniyang yapak ang kaniyang magandang anak na walang iba kundi si Lourdes Virginia Poe o mas kilala ng lahat bilang si Lovi Poe. Makikita natin na sa husay at galing sa pag-arte ni Lovi Poe ay masasabi nating talagang may pinagmahan siya.


Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Bukod dito ay hindi rin natin maitatanggi ang kagandahang taglay ni Lovi Poe at ang pagiging morena nito. Ang ina ni Lovi Poe ay isa ring dating aktres na walang iba kundi si Rowena Moran na talaga namang naipasa niya sa kaniyang anak ang pagiging maganda nito.


Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Ngunit ang hindi alam ng nakararami ay mayroong napakagandang kapatid pa si Lovi Poe na pinagkakaguluhan at agaw pansin sa madla dahil sa mga larawang nakapost sa social media. Ito ay walang iba kundi si Mariel Tung na mas kilala sa kaniyang social media account bilang si Yela Tung.


Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Dahil sa taglay na ganda nito ay talagang masasabi mo na artistahin din ang dating ni Mariel Tung. Ngunit, si Mariel Tung ay isa nang ganap sa ina sa kaniyang anak na nagngangalang si Frankie.


Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Sa kabila man nang pagiging isang ina ay hindi naman ito makikita sa kaniyang pisikal na kaanyuan dahil taglay parin nito ang pagkakaroon ng magandang hubog ng pangangatawan na talagang masasabi mong parang hindi dumaan sa panganganak.


Photo Courtesy: Yellie | Instagram

Base sa mga larawang na naka-upload sa Instagram account ay talagang makikita natin ang pagiging closeness ng magkapatid na Lovi Poe at Mariel Tung sa isa’t-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *