Ating sulyapan ang buhay na ngayon ng dating napakagandang aktres na si Vanessa Del Bianco

Sino nga ba naman ang makalilimot sa mga magagaling na artista na nagpahanga sa atin noong 90s. Yung iba sa kanila ay nawala at mas pinili ang pribadong buhay matapos ang ilang taon sa showbiz. Gayunpaman, nananatili sila sa ating mga puso at isipan dahil naging parte na sila ng ating buhay at inspirasyon.


Photo Courtesy: Vanessa Del Bianco | Google

Tulad na lamang ng isa sa mga sikat at seksing aktres noong 90s na nagpatibok sa ating mga puso at nagpahanga sa ating mga kabataan. Ito ay walang iba kundi si Vanessa Del Bianco.

Marami sa atin ang humanga sa gandang taglay ng aktres at galing sa pag-arte noong 90s. Sa kabila ng kanyang pagiging half Filipino- Italian ay nagagawa pa din niyang magsalita ng tagalog kahit hirap siya para lang magampanan ang kanyang mga roles ng maayos. Hindi lamang tayo ang humanga sa kanya kundi pati na din ang mga kapwa niya artista.


Photo Courtesy: Vanessa Del Bianco | Google

Naging parte ang aktres sa mga programa na ating inaabangan noon tulad ng “Gimik” at naging host din siya sa isa sa mga sikat na programa na kung tawagin ay “Magandang Tanghali Bayan”. Tulad din ng ibang artista ay nagdesisyon ang aktres na lisanin na ang showbiz panghabang buhay. Kung kaya marami na din ang nagtatanong kung ano na nga ba ang buhay ng aktres ngayon.

Napag-alaman na ang dating aktres ay kasalukuyang nasa Canada at nagtatrabaho bilang isang Sales Manager sa Mayfair Club. Dahil na din sa kanyang taglay na ganda at naging buhay sa mundo ng showbiz ay hindi pa din niya maiwasan na magtrabaho bilang isang modelo.


Photo Courtesy: Vanessa Del Bianco | Google

Napabalitaan din na umuuwi pa din sa Pilipinas paminsan minsan ang aktres ngunit hindi ito nagbibigay ng kahit ano pa mang komento kung may balak pa umano itong bumalik sa showbiz o kaya tumanggap ng isang programa na maaari niyang pagbidahan.

Base sa mga ulat ay masayang namumuhay ng tahimik ang aktres sa ibang bansa. Marami din sa mga netizens ang umaasa na sana magkaroon ng pagkakataon na makita muli ang aktres sa telebisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *