Siya si Sofia Pablo, ang napakagandang aktres na napupusuan ng marami na gumanap bilang Dyesebel

Bata palang tayo ay nakahiligan na nating magpabasa ng mga kwento sa ating mga magulang bago tayo matulog. Halimbawa na lamang nito ay ang mga kwentong patungkol sa mga prinsesang inalipusta ng kanilang naging step-mother o hindi kaya naman ay mga taong kayang magpalit ng kanilang anyo na minsan ay nagiging isda dahil sila ay anak ng dalawang taong nagmamahalan ngunit magkaiba ang mundo.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Ito ay ilan lamang sa mga kwentong ating nababasa at naririnig na talagang kapupulutan ng aral at ngayon ay binigyang buhay na ating inaabangan at paulit-ulit na pinapanood sa ating telebisyon.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Isa na rito ang sikat na pantaserye na “Dyesebel” na naging sikat at inaabangan ng bawat manunuod na may kaniya-kaniyang istorya na pasalin-salin sa bawat henerasyon at sa taong gaganap sa nasabing role.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Talagang sumikat ang pantaseryeng ito sa ating bansa dahil sa husay at galing sa pag-arte ng mga artista na gumanap dito. Kaya naman ay marami ang mga gustong sumubok na gampanan ang karakter ni Dyesebel.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Kung ating babalikan, ilan sa mga nakilalang aktres dahil sa pagganap nila ng karakter bilang si Dyesebel ng kanilang henerasyon ay walang iba kundi sina, Vilma Santos, Charlene Gonzales, Alice Dixon, Anne Curtis at Marian Rivera.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

At ngayon, ay marami ang napapaisip at nagtatanong kung sino sa mga magagaling, may magandang hubog ng pangangatawan at naggagandahang mga aktres sa mundo ng showbiz ngayon ang may potensyal na gumanap bilang si Dyesebel?


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Naging agaw pansin kamakailan lamang sa social media ang Kapuso Teen Actres na si Sofia Pablo, isa sa mga bida at bumuo ng teleseryeng pinamagatang “Prima Donna”. Sa nasabing larawaan, ay makikitang nakasuot ito ng isang custome na mermaid tail blanket at nagpost na parang isang tunay na serena.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Dahil dito ay naging usap-usapan ang palabas na Dyesebel ng mga netizens at napupusuan ng madla si Sofia upang gumanap sa nasabing karakter, kung magkakaroon man ng pagkakataon na ipapalabas itong muli. Kaya naman ay naging trending sa Twitter ang #SOFIA is the Next Dyesebel.


Photo Courtesy: Sofia Pablo | Instagram

Laking tuwa at pasasalamat naman ni Sofia, dahil ayon sa kaniya ay hindi niya ito inaasahan. Kung sakaling dumating man ang pagkakataon na siya ang mapili ay buong puso niyang tatanggapin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *