Sa panahon ngayon, hindi natin maitatanggi na mahirap makahanap ng trabaho. Maging ikaw man ay nakatapos ng pag-aaral o hindi. Kadalasan, isa sa mga trabahong ating napapasukan ay maging isang kasambahay. Ngunit hindi ito alintana ng kahit sinong taong gustong magkaroon ng trabaho para may maitustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Ika nga nila, hindi mo dapat ikahiya ang trabahong meron ka, ang mahalaga ikaw ay nagtatrabaho ng marangal. Bilang isang taong pinagtatrabahuan o pinaglilingkuran, hindi basehan ang posisyon at estado mo sa buhay para ikaw ay manglamang ng iyong kapwa sa halip ay mas lalo mo silang bigyan ng pag-asa para mas lalo nilang makita ang kahalagahan ng buhay.
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Isa na rito ang sikat na aktres na si Isabelle Daza, na kung saan ay ipinakita, idinitalye at ibinigay niya ang karapatan ng kaniyang kasambahay sa pamamagitan ng isang kontrata. Dito ay isinaad niya kung ano ang magiging trabaho, benepisyong makukuha at karapatan ng kaniyang mga empleyado.
Isa sa mga benepisyong nakapaloob sa kontrata ay ang pagkakaroon o pagbibigay ng sapat na benepisyo sa bawat kasambahay, tulad ng: SSS, PAG-IBIG at PHILHEALTH.
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Nakasaad din dito na walong oras lamang ang gugugulin nilang pagtatrabaho sa isang araw at higit sa lahat ay may araw din sila para mag-day off. Dagdag pa ni Isabelle na pwede lamang nilang makuha ng advance ang kanilang sweldo kung gagamitin lamang sa isang emergency.
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Kakaiba man ang kontrata ni Isabelle para sa kaniyang mga kasambahay, ngunit ang ibang nilalaman naman nito ay kaniyang ibinase sa Domestic Workers Act of 2013 of Republic Act No. 10361 o tinatawag na “Batas Kasambahay”. Ang nasabing kontrata ay nakapost sa Instagram account ni Isabelle Daza.
Photo Courtesy: Isabelle Daza | Instagram
Alam naman ng lahat na hindi madali ang trabaho ng isang kasambahay. Malaki ang ginagampanan nilang tungkulin sa loob ng tahanan at hindi biro ang kanilang trabaho. Kaya naman, nararapat lamang na ibigay sa kanila ang kanilang karapatan bilang isang kasambahay.