Ibinahagi ni Kris Bernal ang kaniyang Future House na suportado at ginawan ng plano mismo ng kaniyang ina

Masarap sa pakiramdam na suportado ka ng iyong ina sa lahat ng bagay na gusto mong mangyari. Lalo na sa mga plano mo sa buhay na malalaki tulad ng pagpapagawa ng bahay o pagpapakasal. Masarap din sa pakiramdam na handa kang tulungan ng iyong ina na mapabuti at magkaroon ng komportableng buhay. Tulad na lamang nang ina ng sikat na aktres na si Kris Bernal.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Ibinahagi ni Kris Bernal sa kanyang Vlog ang mga kaganapan sa kaniyang ipapagawang bahay na plano mismo ng kanyang ina. Kung ating mapapanood ang Vlog na ito ng aktres ay makikita sa kanyang mukha ang saya na kanyang nararamdaman. Saad niya na bago pa man siya magpakasal ay gusto niya na may sarili na silang bahay na matutuluyan ng kanyang Fiancée.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube


Photo Courtesy: Kris Bernal | Instagram

Masaya din niyang ibinahagi ang lupa na kanyang pagtatayuan ng bahay dahil nabili ng kanyang ina ito noong 2014. Ang lupa na ito ay bunga ng kanyang pag-aartista noong mga panahon na iyon. Napag-alaman din na ang nagmamanage ng pera ng aktres noon ay ang kanyang ina sapagkat bata pa lamang si Kris nang unang sumabak sa showbiz.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Instagram


Photo Courtesy: Kris Bernal | Instagram

Dagdag pa ni Kris na siya ay nagpapasalamat sa kanyang ina dahil hindi napunta sa kawalan ang kanyang mga pinaghirapan. Saad naman ng ina ni Kris na matagal na niyang pinagpaplanuhan ang magiging bahay ng kanyang anak. Kung kaya nakiusap ang ina ni Kris sa Fiancée nito na maging parte siya sa pagplaplano ng disenyo ng bahay.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Instagram


Photo Courtesy: Kris Bernal | Instagram

Agad namang pumayag si Perry sa pakiusap ng ina ni Kris at ayon kay Perry ay hindi ito makikialam hangga’t maayos ang magiging kalalabasan ng kusina. Sa kadahilanan na chef ang magiging asawa ni Kris Bernal. Masayang ipinakita ni Kris sa kanyang Vlog ang mismong Drawing na plano ng kanyang ina sa kanilang ipapagawang tahanan. Bahagi niya na noong una ang gusto nila ay “Modern Mediterranean Design” ngunit sa huli napagkasunduan nilang mag-ina na “Zen House Design” na lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.