Sa edad na 50 taong gulang ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahang taglay ni Keanna Reeves

Talagang mapapahanga nalang tayo sa mga taong nakikita at nakikilala natin na sa kabila ng kanilang edad ay napapanatili pa rin nila ang mala hugis coke na kanilang pangangatawan lalong-lalo na pagdating sa kanilang kagandahan. Ito ay sa kadahilanang nadidisiplina nila ang kanilang sarili lalo na sa usaping pangangatawan at kalusugan.


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram

Kabilang na rito ang isang aktres at model na si Keanna Reeves, na sa kabila ng kaniyang edad na 50 taong gulang ay hindi mo makikita ang pagbabagong naganap sa kaniyang pangangatawan lalong-lalo na sa kaniyang itsura, sa halip ay mas lalo itong gumanda at bumata.


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram

Si Janet Derecho Duterte o mas kilala ng lahat bilang si Keanna Reeves ay ipinanganak noong Setyembre 24, 1970 sa Cebu City. Isa siyang aktres at modelo. Taong 2006 nang magsimula ang kaniyang karera sa mundo ng showbiz nang pinagpala siyang manalo sa 14 na celebrity housemates na sumali sa kauna-unahang reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram

Isa sa kaniyang magandang nagawa sa kaniyang napanalunan ay nang kaniyang ibinahagi ang isang milyong pisong halaga ng kaniyang napanalunan sa isang charity. Isa sa kaniyang nagawang pelikula ay pinamagatang, “Binibining K” kasama si Troy Montero noong 2006.


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram

Naging matunog sa madla noong Disyembre 2004 ang pangalang Keanna nang aminin niya sa publiko na siya ay isang “Escort Girl” at karamihan sa kaniyang mga kliyente ay mga mambabatas.
Taong 2016 nang nakasama sa isang comedy sitcome ng ABS-CBN si Keanna na pinamagatang “Home Sweetie Home”, na pinangungunahan ni Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz, ngunit ganun pa man ay hindi rin tumagal ang kaniyang karakter sa nasabing show.


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram


Photo Courtesy: Keanna Reeves | Instagram

Base sa mga larawang nakapost sa social media account ni Keanna ay masasabi nating masaya na ito sa kalagayan ng kaniyang buhay. Kung magkakaroon tayo ng disiplina sa ating sarili at pangangalagaan ang ating pangangatawan, ay hindi malabong ma-achieve rin natin ang magandang hubog ng pangangatawan at napakabatang mukha tulad ng kay Keanna Reeves.

Leave a Reply

Your email address will not be published.