Ibinahagi ng aktor na si Tom Rodriguez na napapayag niya ang kaniyang fiancé na si Carla Abellana na magka-baby agad pagkatapos ng kasal

Sa isang relasyon may mga bagay na dapat pinag-uusapan muna bago gawin. Tulad nalang ng pagpapakasal. Hindi biro ang responsibilidad na iyong papasukin kapag ikaw ay mag-aasawa. At siyempre isa rin sa dapat pag-usapan ng mabuti ay ang pagkakaroon ng anak.

Image Courtesy: Carla Abellana / Instagram

Tulad nalang nga aktor na si Tom Rodriguez na kamakailan lang ay masayang ibinahagi na kaniyang nakumbinsi ang kaniyang fiancé na si Carla Abellana na magkaroon na ng anak pagkatapos ng kanilang magiging kasal.

Image Courtesy: Carla Abellana / Instagram

Ito ay nangyari sa isang entertainment press ng aktor na si Tom nang tanungin siya kung ano ang magiging pagbabago sa kanilang buhay at karera ng kaniyang magiging asawa na si Carla pagkatapos ng kanilang magiging kasal.

Image Courtesy: Tom Rodriguez / Instagram

Ayon sa aktor na hiniling niya kay Carla na magkaroon agad sila ng baby. Sabi niya na “Isang malaking pagbabago, gagawa agad kami ng baby” nasasabik niyang ipahayag sa mga press. Masaya niya pang ibinahagi ang kanilang pag-uusap.

Image Courtesy: Tom Rodriguez / Instagram

Sabi niya na tinanong niya si Carla kung puwede pagkatapos ng kanilang kasal ay agad silang magkababy. Sinagot naman siya ni Carla ng “Agad?” at dinagdagan ng aktres na kung puwede ay pagkatapos na lamang ng isang taon.

Image Courtesy: Carla Abellana / Instagram

Sagot naman ng aktor na “No, agad na!” at buti naman daw at pumayag na ang aktres. Sinundan naman ito ng katanungan ng mga press na ang ibig sabihin ba nito ay hindi na muna magtatrabaho si Carla para matutukan ang kanilang magiging baby.

Image Courtesy: Carla Abellana / Instagram

Sagot naman ni Tom na hindi niya naman pipigilan ang kaniyang magiging asawa sapagkat isa raw ito sa kaniyang minahal kay Carla, ang kaniyang pagiging passionate sa pag-aartista. Dagdag niya naman na nasa magiging desisyon naman iyon ng kaniyang magiging asawa.

Image Courtesy: Tom Rodriguez / Instagram

Ayon pa kay Tom na sinabi naman daw ni Carla na gusto niya mag-focus sa pagiging ina at siyempre hindi naman niya maaalis na mahal niya ang kaniyang trabaho. Sinabi niya rin na naranasan na rin daw nila na mag-salitan sa pagtatrabaho kaya baka ganoon na lamang ang kanilang magiging kasunduan.

Image Courtesy: Carla Abellana / Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.