Ibinahagi ng mga batikang aktres na sina Jacklyn Jose at Dina Bonnevie ang kanilang sikreto kung kaya sila tumagal sa industriya

Sa mundo ng show business hindi mo masasabi ang karera ng isang tao. Kung sisikat ba siya, magtatagal sa industriya, o magbabago ng landas na tatahakin. Madami na tayong natunghayan na ating iniidolo na nagbago ang takbo ng kapalaran.

Image Courtesy: Jacklyn Jose / Facebook

Mayroon din naman talagang naabot ang tuktok ng kasikatan at masasabi mong tagumpay ang kanilang naging karera. Tulad nalang nga ng mga batikang artista na sina Jacklyn Jose at Dina Bonnevie na masasabi mong mula noon hanggang ngayon ay maganda ang takbo ng kanilang karera.

Image Courtesy: Dina Bonnevie / Instagram

Image Courtesy: Jacklyn Jose / Instagram

Ngunit ano nga ba ang kanilang sikreto para tumagal sa ganitong industriya? Nakaraan nga ay ibinahagi nila ang kanilang sikreto kung papaano sila nagtagal sa mundo ng show business. Kilala natin sila bilang ilan lang sa magagaling na aktres sa showbiz. Hindi matatawaran ang kanilang galing sa pag-arte lalo na sa dramahan.

Image Courtesy: Jacklyn Jose / Google

Sila lang din ang may dahilan kung bakit sila ay may pangalan sa industriya ng showbiz sa loob ng 4 na dekada. Kamakailan lang nga ay nagkaroon sila ng isang press conference dahilan upang maibahagi nila ang kanilang sikreto para tumagal sa show business.

Image Courtesy: Dina Bonnevie / Instagram

Image Courtesy: Jacklyn Jose / Instagram

Ayon kay Jacklyn Jose wala raw ito sa kung gaano ka kasikat, o kung gaano ka ganda. Ito raw ay kung papaano niya gampanan ang isang karakter. Sabi pa niya na gusto niya na humaba ang kaniyang karera sapagkat gusto niyang umarte at iyon daw ang kaniyang pinaka-rason.

Image Courtesy: Jacklyn Jose / Instagram

Ayon naman kay Dina Bonnevie, naniniwala siya sa pagiging propisyonal, pagiging magaling, at pagkakaroon ng maraming kaalaman ang ilan sa mga susi upang magtagal sa show business. Sabi niya rin na walang pagkakataon na siya ay kinagalitan ng kaniyang direktor o kasamahan sa trabaho dahil siya ay na-late sa taping.

Image Courtesy: Dina Bonnevie / Instagram

Dagdag din ni Dina na kinakabisado na niya ang kaniyang mga linya bago pa siya dumating sa set at sinisigurado niya na handa na ang lahat at siyempre ang pakikisama sa mga kasamahan. Ayon din sa kaniya na noong kaniyang kabataan nagsikap siya na magkaroon ngiba’t ibang roles. Para raw makita ng tao na hindi lang yan ang kaya ni Dina Bonnevie.

Image Courtesy: Dina Bonnevie / Instagram

Para sa nakararama ang dalawa ay magkasama ngayon sa isang teleserye sa kapuso channel. Magkasama ang dalawa sa “The World Between Us”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.