Atin muling balikan ang napakagandang bakasyon ng magkasintahang Vice Ganda at Ion Perez sa paraisong lugar ng Amanpulo Island

Kinabog nina Vice Ganda at Ion Perez ang mga mag-jowa noong Valentine’s day dahil bago pa man sumapit ang February 14 ay nauna ng nag-date ang dalawa sa isa sa pinaka romantikong lugar sa Pilipinas.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Nitong nakaraang weekend lamang ay nagpunta ang magkasintahan sa isang mahal at exclusive resort sa Amanpulo Palawan kung saan dito nila ginanap ang kanilang Valentine’s date. Makikita ang kanilang mga litrato at videos sa kanya-kanya nilang Instagram accounts habang sila ay nagre-relax sa napakagandang beach ng Amanpulo.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Ilan sa mga litratong ibinahagi ni Vice sa kaniyang Instagram, makikita na magkatabi ang dalawa habang nakaupo sa may dalampasigan at nakatingin sa napakagandang night sky view ng dagat. Sa caption ng komedyante na , “When love wins, we win” ipinakita nito na masayang masaya silang dalawa ngayon.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Sa kaniyang ikalawang post naman ay makikita ang mga litrato nilang nagrerelax habang umiinom ng refreshers at nagkukulitan sa may sofa na may caption na, “Let this bother those who hate.” Talaga namang sweet na sweet at kitang-kita na nag-enjoy nang husto ang mga ito sa kanilang weekend getaway dahil bukod sa napakaganda sa beach resort na ito ay exclusive rin ito kung saan tila ba parang nirentahan nila ang beach dahil walang gaanong tao.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Bago pa man ang kanilang bakasyon ay hindi na makapaghintay si Vice na magkaroon sila ng quality time ni Ion. Nagtweet pa si Vice sa kanyang Twitter account at sinabing “Never been excited for a holiday!!!! Sh*t I deserved this!!!!” isang araw bago sila umalis patungong Palawan. Kilalang resort ang Amanpulo na may kamahalan ang presyo ngunit ito ay pribado kaya perpekto ang lugar na ito para sa magkasintahan dahil walang makakaistorbo sa kanila na mga fans at ibang tao.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

October 26 ng nakaraang taon lamang inamin at inanunsyo ni Vice at Ion ang kanilang relasyon sa publiko. Mula noon ay mas malaya nang nagpapakita ang dalawa na magkasama sa labas man o maging sa harap ng camera sa kanilang show tuwing tanghali ang dalawa.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Gaya ng inaasahan, maraming tao ang hindi sumangayon sa relasyon na mayroon sila at may ibang nagsasabi na hindi dapat nila ipinapakita ang kanilang paglalambingan sa telebisyon dahil maraming mga kabataan ang nanonood ng It’s Showtime.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Subalit para sa kanila ay wala naman silang inaapakan na ibang tao at inaagrabyado kaya wala silang nakikitang masama sa kanilang ginagawa.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram

Sa kabilang banda, marami rin ang sumusuporta sa dalawa at sa kanilang pagiibigan dahil alam nila ng ilan na deserved ng mga ito ang pagmamahalan na kanilang nararamdaman. Sa ngayon smooth at masaya ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa at patuloy lamang silang nagbabahagi ng kanilang lovestory sa Social Media.

Leave a Reply

Your email address will not be published.