Ibinahagi ni Jodi Sta. Maria ang kaniyang mga napakacute na larawan noong siya ay bata pa

Kay bilis nga naman ng panahon. Kung dati tayo ay mga musmos na bata pa lamang, ngayon ay may kaniya-kaniya nang pamilya. Kung dati ginagawa nating biro ang lahat ng bagay, ngayon kailangan na nating magseryoso sa buhay. Sa bilis nga ng panahon hindi natin maiwasan na maalala ang mga kahapon.


Photo courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram

Lalo na ang mga magagandang alaala na siguradong magbibigay ngiti sa ating mga labi kapag ating naalala. At siyempre hindi mawawala ang mga litrato na magbibigay sa atin ng dahilan upang maalala ang mga nangyari sa ating nakaraan.


Photo courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram

Kamakailan lang nga ay idinala at ibinahagi ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang pag-alaala ng kaniyang kabataan sa social media. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpost ng litrato ng isang cute na cute na batang babae.


Photo courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram

Ang batang babae na ito ay walang iba kung hindi ay ang kabataan ng aktres na si Jodi Sta. Maria. Ang ginawa niyang ito ay nagdulot sa kaniya upang maalala ang mga simpleng kasiyahan na mayroon siya noong kaniyang kabataan.


Photo courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram

Kalakip ng litrato ang isang mensahe na nagsasabi na ang litrato daw na iyon ay nagbigay sa kaniya ng dahilan upang maalala ang mga bawat sandali ng kaniyang kabataan. ‘Yong kaniyang pagtakas daw upang makapaglaro sila ng kaniyang mga kapitbahay na kahit mapagalitan daw siya ay ayos lang.

Inalala rin ng 39 taong gulang na aktres ang kanilang mga nilalaro noon. Kasama dito ‘yong “touch taya”, “10-20”, ‘yong balloon na bawal bumagsak sa lupa. Inalala rin ng aktres ‘yong paghintay niya sa nagbebenta ng mais at ‘yong pagpalit ng dyaryo at bote para sa isang chichirya.


Photo courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram

Pahayag din ni Jodi Sta. Maria na ang ating kabataan daw ay isang malaking parte ng ating pagkatao kung sino tayo ngayon. ‘Yong simpleng kasiyahan, tawanan, at mga maliit na paglalakbay daw ay nagturo sa kaniya na hindi natin kailangan ng mamahalin o malalaking bagay upang sumaya sa buhay, minsan ay sapat na ‘yong simple at maliit na nakakapagpaligaya sa atin.


Photo courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram

Dahilan naman nito kung bakit siya ay kinagiliwan ng mga netizens, kaniyang tagahanga, at kahit iyong mga kasamahan niya sa industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *