Kamustahin ang dating sikat na aktor na si Bojo Molina na mayroon na ngayong buo at masayang pamilya

Kung ikaw ay 90’s baby malamang isa ka sa pinakilig ng actor na si Bojo Molina. Kilala natin si Bojo Molina bilang isa sa mga cast ng “Gimik” na ipinalabas noong taong 1996 hanggang 1999. Kasama niya rito ang mga bigating artista tulad nila Claudine Barretto, Diether Ocampo, Patrick Garcia at madami pang iba. Madami rin siyang ginampanan na karakter noon kapanahonan niya sa show business at talagang di mo maikakaila na isa ka sa pinakilig nito. Isa na rito ay ang tambalan nila ni Mylene Dizon na talagang tumatak sa tagapanood.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Ngunit nasaan na nga ba si Bojo Molina at bakit niya iniwan ang show business? Pinili ni Bojo Molina na manirahan ng simple sa Guam kasama ang kaniyang pamilya.

Ibinihagi niya sa kaniyang panayam ni Paolo Contis sa programang “Just In” na noon pa man ay nagpaplano na sila ng kaniyang non-showbiz partner na si Johansen Kwe bago pa niya iwan ang show business. Noong 29 taon gulang pa lang si Bojo ay pinag iisipan niya na ang pagkakaroon ng sariling pamily.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Sa kabutihang-palad noong dumating siya sa Guam, tinawagan niya si Jen na nagpaplanong lumipat sa San Diego noong panahong yon. Nagkita sila at napagdesisyonan nilang magsimula ng panibagong buhay.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Aminado si Bojo Molina na hinahanap-hanap niya at namimiss niya ang showbiz ngunit desidido siyang magkaroon ng simpleng buhay. Nabanggit niya rin na talagang pagbabago ng “llifestyle” na yung hinahanap niya.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Pero di mawawala yong pagkamiss niya sap ag-arte. Napamahal na rin siya sa idustriya ng showbiz. Kaya lang minsan darating talaga tayo sa punto na papipiliin tayo kung mananatili ba tayo o mas gugustohin nating magbago at magsimula ng panibagong buhay at yon ang napagdesisyonan niya.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Naninirahan ngayon sa Guam ang pamilya ni Bojo Molina kasama ang kaniyang asawa at mayroon silang dalawang anak. Isa sa mga dahilan niya talaga kung bakit mas pinili niya ang bagong buhay ay ang kaniyang asawa.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Hindi rin ito naging madali para kay Bojo Molina sapagkat noong panahon na yon ay nasakanya ang lahat at nang lumipat sila ng Guam ay nagsimula ulit sila sa simula. Gayun paman, kilala na raw ni Bojo Molina ang kaniyang sarili sa tulong na rin ng show business at alam niya ang kaniyang naging desisyon.


Photo Courtesy: Bojo Molina | Facebook

Nagsimula siya sa Cabuyao noong magtapos siya ng kolehiyo at nagtart siya sa show business noong 21-22 taon gulang hanggang 29 taon gulang. At simula 30 taon gulang siya hanggang ngayon na siya ay ganap na 47 taon gulang ito na ang kaniyang bagong buhay. Batid niya rin na wala siyang pinagsisihan sa kaniyang naging desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *