Sa buhay, walang makakapagsabi o nakakaalam ng ating magiging kapalaran o kung saan nga ba tayo dadalhin ng ating tadhana. Kung ano ka man ngayon at kung ano man ang narating mo sa buhay, yun ay dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga mo. Tulad nalang ng nangyari sa buhay ng aktor na si Ron Morales.
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
Noong simula, si Ron Morales ay lumalabas at napapanood pa natin sa ibang mga programa at palabas sa telebisyon ngunit kalaunan nagdesisyon na lisanin ang mundo ng showbusiness.
Ayon sa kaniyang interbyu, ang nasabing aktor ay nahirapan din magdesisyon kung lilisanin nga ba ang mundo ng showbusiness sa kadahilanan na napamahal na rin siya sa kaniyang trabaho.
Narito ang kaniyang pahayag “it wasn’t an easy decision. And I had a lot of reflection to do, weighed in several factor.”
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
“Ultimately as much as I wanted to pursue my craft as an actor when I decided to get married and have a children, I became a husband and a father” dagdag ni Ron.
Base sa kanyang sinabi sa interbyu, kailangan niya ng malinaw na prayoridad sa buhay at kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang pamilya kung kaya ito ang kanyang naging inspirasyon upang lumipat sa Canada at dito mamuhay.
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
Saad ni Ron “I had to re-assess my priorities and decided that my career had to take the back seat for now”
“I just prayed and I knew that there are reasons in life that we go through. And the time came to prioritize my family not only to provide for my kids financially but give them a healthy environment and allow them to have more options as the grow up”.
Inamin naman ni Ron na mas pinili niya ang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang pamilya malayo sa showbusiness at masayang kasama ang kanyang dalawang anak na sina Andres 7 taon gulang at Anika 4 na taon gulang sa kaniyang may bahay na si Victoria Villamin.
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
Kung ating matatandaan si Ron ay nagsimula sa kanyang showbusiness career noong 2007 matapos siyang manalo bilang 1st runner up sa isang modeling contest na pinamagatang Be Bench: The Model Search in 2007.
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
Para rin kay Ron na malaki ang naging parte ng showbusiness sa relasyon nila ni Victoria dahil nakilala niya ito sa istasyon mismo na kung saan si Victoria ay nagtatrabaho dito bilang employee. Pagkatapos ng mahabang panahon ng kanilang relasyon nagdesisyon silang magpakasal noong 2011.
Dagdag pa ni Ron ”My work gets me busy, I have a full time job as a cook in a local restaurant here in Prince Edward Island. I work from Monday to Friday. Basically, I do all the preparations that the line cook needs. I have weekends off that I look forward to spend quality time with my family. Overall, I have work- life balance which I enjoy. Everything around where I live is a 5 minutes’ drive away so there is definitely more time with family”.
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
Samantala ang asawa naman ni Ron ay isang full time mom para sa kanilang mga anak. “Our life here is so much simpler with less malls and more nature, hence kids are happy with simple things. So, given these goals we prayed and felt that Canada can give us exactly that. So it took a lot of prayers and discernment but this was affirmed by open doors, blessing from both of our families, and people from here who helped us feel like this is home.”
Image courtesy: Ron Morales/Instagram
Tulad din ng mga nakararami na nagdedesisyon na manirahan sa ibang bansa, si Ron man ay nakaramdam ng pangamba sa mga bagay na naghihintay sa kanila at magkakaroon ng malaking pagbabago para sa kanilang buhay, maging ito man ay sa tanawin, trabaho, at nakagisnang uri ng pamumuhay ngunit para sa aktor ito ay parte lamang ng bagong kabanata ng kanilang buhay.