Ito na ngayon ang buhay ni Angeli Gonzales matapos niyang iwan ang mundo ng pag-aartista

Kung ikaw ay pinanganak noong 90’s malamang kilala mo siya. Kung ikaw ay mahilig manood ng “Goin’ Bulilit” noong iyong kabataan malamang nakita mo na siya. At kung ikaw naman ay pinakilig at pinatawa ng seryeng “Luv U” ng ABS-CBN malamang isa ka sa kaniyang naging tagahanga. Pero nasaan na nga ba ang artistang ito? Bakit nga ba umalis ng “Show Business” si Angeli Gonzales?


Image Courtesy: Kaye Angeli Gonzales/Instagram

Naalala niyo pa ba ang Teen Series na “Luv U”? Ito ay isang Kapamilya Show na pinalabas noong 2012 na pinagbibidahan ng madaming mga “Teen Stars” noong panahong iyon. Ito ay isang palabas na patungkol sa makulay na buhay ng mga magkakaibigan na may halong komedya. Ilan sa mga gumanap sa mga karakter dito ay sina Kiray Celis, Miles Ocampo, at madami pang iba pang sikat na artista ngayon.


Image Courtesy: Kaye Angeli Gonzales/Instagram

Noong 2016 nagtapos ang nasabing Serye. Karamihan sa kanila ay nagkaroon ng mga panibagong proyekto. Ang iba naman ay nanatili sa larangan ng show business, at ang iba ay mas piniling lumihis ng landas at iwan ang mundo ng kasikatan.


Image Courtesy: Kaye Angeli Gonzales/Instagram

Isa sa mga umalis sa show business ay si Kaye Angeli Gonzales. Sa halip na ipagpatuloy niya ang kasikatan ng kaniyang karera, mas pinili niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, at nakapagtapos siya ng pagmemedisina noong nakaraang taon.


Image Courtesy: Kaye Angeli Gonzales/Instagram

Ibinahagi niya na lahat ng kaniyang nakasalamuha sa trabaho ay alam ang kaniyang pangarap sa labas ng “show business”. Dagdag niya pa na may mga oras na nahuhuli siya sa call time nila sapagkat siya ay may pasok at minsan naman ay nauuna siyang umalis sa kadahilanang siya ay may exam sa susunod na araw. Kaya malaki ang pasasalamat ni Angeli Gonzales sa kaniyang mga naging katrabaho.


Image Courtesy: Kaye Angeli Gonzales/Instagram

Ang bilis nga naman talaga ng panahon, kung dati ay pinapanood lamang natin siya sa pambatang palabas na “Goin’ Bulilit”, sinong makakapagsabi na ngayon ay isa na siyang ganap na Doktor. Kahit alam natin na may patutungohan ang kaniyang karera noon, walang pagbabago at ganoon pa din ang ibinigay na suporta ng kaniyang pamilya at kaniyang mga tagahanga sa pagsisikap na kaniyang ibinigay.


Image Courtesy: Kaye Angeli Gonzales/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *