Ito na ngayon ang buhay ng dating napakacute na childstar na si Alyanna Angeles

Marami na tayong nasubay-bayang mga batang artista simula sa kanilang unang araw sa showbusiness hanggang sila ay maging ganap na binata at dalaga. Hindi natin malilimutan ang mga cute nilang role na talaga namang mapapahanga ka.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Sa murang edad na iyon ay makikita na natin ang kanilang kagalingan sa pag arte na talagang matutulala ka na lang. Alam naman natin na hindi habambuhay ay mananatili silang bata at dadating din ang panahon magiging ganap na dalaga at binata na sila.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Tulad na lamang ng dating child star na si Alyanna Angeles na pinili munang umalis sa showbusiness upang tapusin ang kanyang pag aaral.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Marami sa atin ang hindi nakakita sa kanyang paglaki dahil sa maaga na pag alis nito sa showbusiness ngunit iyong ikakagulat ang kanyang malaking pagbabago dahil sa ngayon ay ganap na siyang dalaga.

Kung ating natatandaan madami ng proyekto ang ginanapan ng dating childstar na si Alyanna tulad na lamang ng teleserye na pinamagatang “Maria La Del Baryo”.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Ginampanan niya ang pagiging anak nina Enchong Dee at Erich Gonzales sa teleserye na ito. Matapos ang “Maria La Del Baryo” ay muli ulit nagbida si Alyanna sa isang teleserye na pinamagatang “Juan Dela Cruz” na ipinalabas noong 2013.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Kasama niya sa palabas na ito sina Coco Martin at Erich Gonzales. Marami pang mga serye ang naging parte si Alyanna Angeles at mapapanood mo dito ang kagalingan nito sa pag-arte.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Si Alyanna Angeles ay kilala din bilang pamangkin ng isa sa mga pinakasikat at ginagalang na artista at ito ay walang iba kundi si Angel Locsin.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Sa ngayon madami ng mga tao ang humahanga sa dating childstar na si Alyanna dahil sa taglay nitong kagandahan. Marami na din ang nag-aabang kung ano ang magiging proyekto nito kung sakaling bumalik ito sa showbusiness dahil madami sa mga tao ang gusto muli masilayan si Alyanna sa telebisyon.


Photo Courtesy: Alyanna Angeles/IG

Makikita naman sa kanyang mga dating proyekto na magiging isang magaling na artista ito si alyanna dahil malaki ang kanyang potensyal tulad na lamang ng kanyang tita na si Angel Locsin noong unang pagsabak pa lang nito sa showbusiness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *