Ito na ngayon ang buhay ng dating sikat na napakagandang aktres na si Ana Roces

Ang 90’s sweetheart at beteranong aktres na si Ana Roces ay isa sa may pinaka maganda at pinaka maamong mukha sa industriya ng showbiz kaya naman humakot ito ng napakaraming palabas at teleserye sa buong karera nitong bilang artista.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Subalit taong 2002 ng ito ay lumisan sa industriya upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pribadong buhay sapagkat nagkaroon ito ng anak sa kaniyang unang asawa. Pagkatapos ng dalawang taon ay kinumpirma ng aktres na tinapos na niya ang kaniyang relasyon sa kaniyang asawa at muling nagkaroon ng comeback sa industriya matapos ang pitong taon.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Ngayon ay masaya ang aktres sa kaniyang tinahak na daan sapagkat ikinasal siyang muli sa kaniyang ikalawang asawa na isang lawyer sa Ilocos Sur at nagkaroon ng isang anak na lalaki. Ipinagpatuloy ng aktres ang kaniyang buhay bilang isang artista kaya naman mapapansin na hindi pa rin ito nawawalan ng mga proyekto at endorsements sa kaniyang career life.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Ang isang bagay na napansin ng mga netizens ay tila hindi kumukupas ang ganda ng aktres sapagkat kahit sa edad na 44 years old ay tila parang dalaga pa rin ito hanggang ngayon. Maging ang hubog ng katawan ni Ana Roces ay napanatili niyang slim and fit, isang bagay kaya’t parang ito ay teenager pa rin ngayon.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Mapapansin sa kaniyang mga throwback photos na ibinabahagi sa kaniyang Instagram account ay halos walang pinagbago at lalo lamang itong mas gumaganda at naging blooming ngayon. Sa mga panahon kase na walang trabaho ang aktres ay isang panlipas oras nito ay ang pag-travel sa ibang bansa kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Isang palabas na nakilala ang aktres ay ang comedy film na ‘Alabang girls’ kung saan nakasama niyang bumida ang komedyanteng si Andrew E. Mula noon ay madalas na siyang bumida sa mga palabas sa Viva Films at nagkaroon ng kabilaan na proyekto sa dalawang Tv network.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Isang bagay kung saan focus si Ana ay sa kaniyang pamilya na walang sawang nagbibigay ng kanilang suporta sakaniya lalong lalo na ang kaniyang panganay na anak na kasing-ganda niya.


Photo Courtesy: Ana Roces/IG

Kung naaalala niyo pa si Ana Roces ay tiyak isa rin kayong batang 90’s na nag-abang sa kaniyang mga palabas. Napakaganda pa rin niya talaga hanggang ngayon, hindi ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *